One on One with Ryan Agoncillo: Kapatid na, Kapuso pa | Bandera

One on One with Ryan Agoncillo: Kapatid na, Kapuso pa

- November 06, 2011 - 01:12 PM

BIG influence  kay Ryan Agoncillo ang mga hosts ng Eat Bulaga na sina Tito, Vic & Joey. Kaya naman nang nagkaroon siya ng chance na makasama ang tatlo sa Eat Bulaga ay tini-treasure niya ang every minute ng pagho-host niya sa number one noontime show ng bansa.

Lahat daw halos ng portions sa Eat Bulaga ay napanood niya. Ngayon, two years pa lang siya sa show pero ang sarap-sarap daw ng pakiramdam niya.

At the same time, ngayon lang nag-sink in sa isip niya bahagi na siya ng Eat Bulaga sa ikatlong dekada nito sa telebisyon.Ibinahagi ni Ryan dito sa BANDERA ang mga natutuhan niya at karanasan working side-by-side sa tatlong iniidolo niyang TV hosts.Nagbigay din ng pahayag si Ryan sa intriga sa kanya at sa kanyang pagiging isang ama.

 

BANDERA: Ano ang mga nakukuha mong advice mula kina Tito, Vic & Joey?
RYAN AGONCILLO: Kahit hindi sila masyadong magbigay ng advice pero sa example nila ang dami kong natutuhan araw-araw. Minamatyagan ko sila. Kay Tito Sen, iba ang napupulot ko sa kanya. Kay Vic, iba rin. Kay Joey iba rin. Hindi sila verbal magturo. Ipapakita nila sa iyo kung paano gawin. Ang sarap.

B: Hindi naman lingid na may show ka rin sa Kapatid network. What if kunin ka rin ng TV5 para mag-host just in case bumuo sila ng isang noontime show?
RA: Ah, ano, parang hindi siguro. Hindi, Dabarkads ako, e. Kahit Kapatid ako, Dabarkads ako. Hindi naman sa mas nangingibabaw pero talagang the past two years araw-araw ko silang kasama, tatlong oras at minsan higit pa. So, hindi mo matatawaran ‘yun, e.

B: Dahil sa closeness n’yo ng Dabarkads, ‘di ka rin nakaligtas na matsismis sa isa sa mga kasama n’yo sa Eat Bulaga na si Daiana Meneses.
RA: Huh! Ewan ko ba doon? Ang corny-corny ng tsismis na ‘yun!

B: Hindi ninyo pinag-usapan ni Juday (Judy Ann Santos) ang tungkol sa inyo ni Daiana?
RA: Hindi na pinag-uusapan ‘yung ganu’n. Pero okey lang, nakakapogi ‘yung ganu’ng tsismis. Pero ang corny. Hindi namin pinag-usapan ‘yun kasi hindi naman kami corny na tao.

lucho, yohan, Friends lang kami. Hindi kami sobrang close. Ngeee….hindi kami close. Ang pinaka-close ako kay Ruby (Rodriguez). Pero iba-iba, e. Kasi kapag sa araw-araw, hindi, e, kasi magkakasama-sama kasi kami palagi talaga.

B: May time ba na nakita mo si Juday na nagselos?
RA: Hindi naman aamin ‘yan, e! Hehehehe!

B: Paano mo napapansin na nagseselos si Juday?
RA: Kapag ano, may paraan naman siya nang pagpapakita ng pagseselos. Minsan ano, dadating sa set. Magpapadala ng pagkain. Dadating sa set. Bibisita, magdadala ng tsibog, naglalambing.

B: Sa set ng Eat Bulaga?
RA: Hindi, hindi sa set ng Eat Bulaga. Sa iba, oo. Alam ninyo dumating na kami sa panahon (ni Juday) na sinasadya na lang namin ang mga isyu. Para may lambingan. E, mabait kasi itong misis ko kaya minsan naging isyu na lang para lang may pag-awayan kunyari, para may make-up, ‘di ba?

B: Buti hindi ka tumataba sa mga niluluto ni Juday?
RA: Ang hirap na nga, e. Hanggang ngayon nagdye-dyeta ako. Siya pa rin ang nagluluto ng pangdyeta ko. Masarap magluto si Juday ng pang-dyeta. Actually, nasabi ko nga sa kanya kung hindi niya nare-realize nu’ng naging kami, simula nu’ng maging kami na boyfriend-girlfriend, mula noon 35 lbs ang nawala sa akin.

B: Kumusta ang pagiging tatay mo kay Lucho?
RA: Ayos naman, ang sarap. Hanggang ngayon ‘di pa rin ako makapaniwala. Kapag break sa shooting, break sa taping, hawak ko na ‘yung telepono ko. Tinitingnan ko na ‘yung mga litrato nila. Ang sarap, e.

B: Naiisip mo na ba kung ano ang gusto mo para kay Lucho paglaki?
RA: Ah, hindi ko pa naiisip pero ano, e, ang iniisip ko ngayon kung paano ko ba mase-secure ang kinabukasan nila. Hindi kasi, nu’ng bata ka, kapag nagtrabaho ka, nu’ng binata pa ako, feeling mo kailan ko pa i-enjoy ang perang ‘to kapag patay na ako, ‘di ba?

Pero ngayon siyempre iisipin mo, siguraduhin ko may pera ka kahit patay ka na para hindi agrabyado ang mga anak mo. Ganu’n ang takbo ng isip namin ngayon.

B: Payag ka ba na mag-artista rin si Lucho pati na si Yohan?
RA: Ah, hindi ko alam, e. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pero malamang ang isasagot ko sa kanya magtapos ka muna. Ngayon, kung magkaroon pa nang patuloy na pakikipag-balitaktakan, e, hindi ko na alam. Malamang kaya-kayanan ako ng anak ko, ‘di ba?

B: Speaking of Yohan, naayos n’yo na ba ang apelyido ng bagets? Agoncillo na rin ba siya tulad ni Lucho?
RA: Hindi, Santos pa ngayon. Nasa proseso pa para maging Agoncillo. Legal na ano ‘yan, e, proseso.

B: Alam na raw ni Yohan na adopted child siya. Kaya naman slowly and in the most loving way possible ay ipinaparamdam n’yo ni Juday na ‘di siya adopted. Paano n’yo ‘yun ginagawa?
RA: Kami ni Juday we don’t pretend we understand her. Kasi hindi naman namin talaga alam ‘yung feeling ng adopted, e. As soon as nakakaintindi na siya ipinaalam namin sa kanya. Kaya when she was about two and a half three years old, we read an adoption book.

‘Yung mga topics doon tungkol sa bata na iba ang parents. ‘Yun, ipapabasa mo sa kanya. And also, ‘yung tanong niya, ‘Did I come from your tummy?’ ‘Did I drink your milk?’ Nakita niya kasi ‘yun kay Lucho nu’ng lumalaki siya, e.

B: What if hanapin ni Yohan ang kanyang tunay na magulang?
RA: Sa ngayon, pino-proseso namin kung paano niya prino-proseso ‘yung mga bagay. We don’t fully understand, e. That’s why we don’t pretend to understand her. We can only give her love as we know as we got from our parents, e. ‘Yun lang ang alam namin na parenting, e. So, hindi na kami mangangahas na mag-imbento pa ng ibang paraan. So, we will raise her the way we know how my parents raise us and we hope for the best.

Hindi ko alam kung ano ang ma-advise ko ‘no. Pero kung ako ang tatanungin mo ‘yun ang ginawa ko. Sinabi agad namin nang maaga sa kanya. Hindi ko alam kung maganda ‘yun. Malalaman ko ‘yun in a few years. Pero ‘yun lang kasi ang alam ko. Mahirap magbigay ng advice dahil hindi naman ako eksperto. Eto lang ‘yung alam ko’ng gawin.

B: May nakikita na ba kayong pagbabago kay Yohan knowing na adopted child siya?
RA: Wala naman, wala naman. Six years old pa lang. Hindi naman siguro magda-drugs ‘yan. Hehehehe!

B: Sabi ni Juday sa huli naming panamayam sa kanya, wala raw kayong control ngayon. Anytime mabuntis si Juday, okey lang daw. True ba?
RA: Oo, kung biyayaan, biyayaan. Si Lucho rin naman, hindi planado, e. Pero syempre, ano naman, e, you know, you will never be ready. Kapag nandiyan na, hope for the best ka, e. Kaya nga trabaho ka nang maigi, ‘di ba, para come what may, handa ka.

B: If ever, would you wish for another boy or girl naman?
RA: Ah, okey na. may  babae at lalaki na. Pwedeng boy ulit para dumami ang Agoncillo. Why not?

B: Keri mo ba ang maraming anak?
RA: Ako kasi sa pamilya namin, dalawa lang kami, sa pagkakaalam ko, ha. So, nasanay ako nang konti. Pero kasi ang tatay ko walo sila na magkapatid. ‘Yung nanay ko 19 silang magkapatid. May kapatid kasi na half-half ang nanay ko.

Pero kaming dalawa lang kami. So, sanay ako talaga sa malit na pamilya. So, tingnan natin.Family planning? Sa ngayon, hindi pa. Pero syempre napapag-usapan pero wala pa’ng actions taken.

B: Sa ganda ng samahan n’yo ni Juday, may maibabahagi ka ba sa ibang married couples sa showbiz?
RA: Ang laging isina-suggest kasi lagi dalawang kumot, e. Totoo ‘yun. Hangga’t maaari dalawang kumot. Literally and figuratively. Figurative dapat may sarili kayong buhay. Kami kasi may pansariling buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ako kasi, may sarili ako’ng buhay, siya may career. Pero, kami kasi we don’t, it’s not that we need each other but we want to be with each other, e. Pwede naman akong kumain sa iba pero masarap siyang magluto, e, ganu’n. ‘Yun siguro ang gusto naming i-share sa iba.

B: Sabay ba kayong mag-shower ni Juday?
RA: Hindi na. Ang aga ng call time niya, e. Ako, tanghali pa ako gumigi-sing.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending