Ai Ai-Ate Vi movie para sa MMFF 2014 kasado na

By Reggee Bonoan January 04,2014
share this

Ai Ai-Ate Vi movie para sa MMFF 2014 kasado na

By Reggee Bonoan January 04,2014
share this

AI AI DELAS ALAS AT VILMA SANTOS

Speaking of Ai Ai delas Alas, nakita naming nag-uuusap sila ng seryoso nina Star Cinema producer, Malou N. Santos, direk Rory Quintos at direk Wenn Deramas at pelikula ng Comedy Queen ang topic kung saan makakasama niya si Batangas Gov. Vilma Santos.

Kuwento sa amin ni Ms. A pag-alis ng mga bossing, “Hayan, may movie na ako sa MMFF 2014, sinabi ko kay Ma’m Malou, ‘Sumumpa ka sa harap ng mama ko na gagawa ako ng pelikula sa MMFF.’

“Sabi ni Ma’m Malou, maski hindi raw siya sumumpa may pelikula naman daw dapat ako ngayong MMFF, e, kaso nga, may movie ako dapat gagawin kasama sina Toni (Gonzaga) at Sen. Bong (Revilla), hindi nga lang natuloy, kaya hayun, nawala ako talaga.”

Ay oo nga, ano nga ba nangyari sa pelikulang dapat pagsasamahan nina Ai Ai, Toni at Bong?

Lady boss daw ni Ai Ai ang papel ni Gov. Vilma sa nasabing pelikula, “Boss ko siya, basta abangan mo, hindi pa malinaw, ‘yun palang ang alam ko.”

Sabi naman ni direk Wenn, “Akong bahala sa kanya (Ai Ai), gagawin ko uli siyang number one. Hmmp! Kasi gumawa rin ng ibang pelikula na hindi ako direktor, selos nga ako, eh!” kunwang umirap pa ang direktor!

Ang “Kung Fu Divas” na ginawa ni Ms. A kasama si Marian Rivera na idinirek naman ni Onat Diaz ang ipinagsisintir ni direk Wenn. Ha-hahaha!

Sabi namin, may “Momzillas” naman siya that time kaya patas lang sila ni Ai Ai, “Oo nga, at least mas kumita ang ‘Momzillas’ kaysa sa ‘Kung Fu Divas’, naka-P70 million kami ‘no!” pagmamalaking say ni direk Wenn.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending