Ai Ai malungkot ang Bagong Taon dahil sa pagpanaw ng ina, pero... | Bandera

Ai Ai malungkot ang Bagong Taon dahil sa pagpanaw ng ina, pero…

Cristy Fermin - January 02, 2014 - 03:00 AM


Sinalubong ng Comedy Concert Queen ang taong 2014 nang may lungkot dahil sa pagpanaw ng kanyang tunay na ina, si Mrs. Gloria Hernandez, dahil sa marami nang kumplikasyon sa kanyang katawan.

Si Ai Ai delas Alas, ilang buwan pa lang nang ipinanganganak, ay kinuha na at inaruga ng kanyang tiyahing engineer. Sa poder nito siya lumaki, ito ang nagpaaral sa kanya, pero hindi niya naman nakakaligtaang dalaw-dalawin ang kanyang tunay na pamilya sa Batangas.

Malungkot ang Reyna Ng Komedya nang makausap namin pero siya na rin ang nagbigay ng konsolasyon sa kanyang sarili na sa pagpanaw ng kanyang Inay ay hindi na ito mahihirapan.

“Malungkot, dahil wala na si Inay, pero ayoko naman siyang nakikitang nahihirapan. Masakit lang dahil hindi na niya ako nakikilala, nakatingin lang siya sa akin.

“May Alzheimer’s na kasi siya. Kaming lahat, hindi na niya nakikilala. Pero nayakap ko siya nang madalas, mahigpit ‘yun, talagang mahigpit,” lumuluhang pahayag ng Comedy Concert Queen.

Natiyempo lang ang pagpanaw ng kanyang ina sa isang panahong dapat ay nagsasaya sila sa pagsalubong ng Bagong Taon pero tama si Ai Ai, kesa naman sa makita niyang naghihirap ang babaeng nagsilang sa kanya ay mas makabubuting magpahinga na ito.

Muli, ang aming taos-pusong pakikiramay sa pagpanaw ng dakilang ina ng Comedy Concert Queen, isa pong mapayapang biyahe sa dako pa roon.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending