Angel nagpapakaligaya sa Asian Cruise, may ka-date na politiko? | Bandera

Angel nagpapakaligaya sa Asian Cruise, may ka-date na politiko?

Reggee Bonoan |December 31,2013
facebook
share this

Angel nagpapakaligaya sa Asian Cruise, may ka-date na politiko?

Reggee Bonoan - December 31, 2013 - 03:00 AM


KASALUKUYANG nasa-Asian cruise si Angel Locsin kasama ang buong pamilya at ilang mga kaibigang nakatrabaho niya noon sa sitcom na Toda Max tulad nina Direk Malu Sevilla at executive producer na si Rocky Ubana na kasama sa litratong nasa kolum na ito.

Ang kapatid ng katotong Vinia Vivar na nagtatrabaho sa cruise ship ang nagkuwento sa kanya na kasalukuyang nasa barko ang buong pamilya ng aktres.

Natsismis na may kasamang pulitiko sa ibang bansa si Angel para magbakasyon, marahil ay hindi kilala ng mga nakakita na kamag-anak ng aktres ang mga kasama niya.

Alam n’yo naman ang mga kababayan natin, makita lang na may kasamang lalaki ang isang babaeng artista, iisipin na nilang mag-boyfriend na.

Naniniwala rin kami na hindi agad-agad papasok sa panibagong relasyon ang aktres dahil kakahiwalay pa nga lang nila ni Phil Younghusband. Hindi ba’t nagulat nga siya nu’ng makarating sa kanya na nali-link si Phil kay KC Concepcion?

Nasabi niya na kung totoo nga ang chika, bakit parang ang bilis naman siyang pinalitan ng football player?  Samantala, huwag palampasin ang full trailer launch ng The Legal Wife na pagbibidahan ni Angel ngayong Miyerkules pagkatapos ng Honesto sa ABS-CBN Primetime Bida.

Matapang at mapangahas na family drama ang handog ng The Legal Wife kung saan makakasama rin ni Angel sina Jericho Rosales, Maja Salvador, JC de Vera, Joem Bascon, Ahron Villena, Mark Gil, Rio Locsin at Christopher de Leon.

Tampok sa serye ang mga totoong pinagdaraanan ng mga mag-asawa at kung ano ang kaya nilang gawin para sa isa’t isa at sa kanilang pamilya na mapapanood na sa Enero, 2014 mula sa direksyon nina Rory Quintos at Dado Lumibao.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending