Di pa nagagalaw (2) | Bandera

Di pa nagagalaw (2)

Joseph Greenfield |December 31,2013
facebook
share this

Di pa nagagalaw (2)

Joseph Greenfield - December 31, 2013 - 03:00 AM

Tina, ng Barangay Pantaon, Kolambugan City
Problema:  
1.     Wala akong boyfriend at hindi pa nagkaka-boyfriend kaya’t di pa nahahalikan ng lalaki.  Pero, mahigit 20-anyos na ako.  Naiinggit ako sa mga amiga ko.  May mga boyfriend na sila at ang iba’y nag-asawa na at may pamilya na.
2. Maligaya na sila, lalo na kapag sumasapit ang malamig na gabi.  Pagdating sa mga manliligaw ay pihikan ako, lalo pa’t puro bola lang, kaya alam kong lolokohin lang ako.  Magkaka-boyfriend kaya ako sa 2014? Sino siya?  Kailan ko siya makikilala?
Umaasa,
Tina, ng Barangay
Pantaon, Kolambugan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing ang unang lalaking magiging boyfriend mo ay isang Virgo,  pero hindi mo siya makakatuluyan, sa halip ang makakatuluyan mo ay ang ikalawang boyfriend mo na isang Cancer.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa petsang 19, ang magiging first boyfriend mo, ang eksaktong birthday month ay September. Kung saan mabubuo ang isang mainit na relasyon.
Graphology
Ang iyong lagda na medyo magulo, sa simula ay nagsasabing aabutin lamang ng 10 months ang inyong pag-iibigan at magkakalabuan hanggang sa tuluyang mag-break. Ngunit bago matapos ang 2014,  muli kang magkaka-boyfriend hanggang sa tuluyan nang makapag-asawa, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Cancer.
Huling payo at paalala:
Tina, ayon sa iyong kapalaran, mapalad ka sa taon 2013 sapagkat dininig ng langit ang iyong hiling.  Magkaka-boyfriend ka hatid ng lalaking may initial na R.A., ngunit hindi siya ang makakatuluyan mo, dahil pagsapit ng buwan ng Oktubre ganap ding kayong magkakalayo, habang bago matapos ang 2014, muli kang magkaka-boyfriend hatid ng lalaking may initial na R.J. kung saan, ang ikalawang lalaki na ngang ito ang makakatuluyan mo at makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending