Barako Bull pinatumba ang Globalport, 108-95 | Bandera

Barako Bull pinatumba ang Globalport, 108-95

Mike Lee - December 30, 2013 - 03:00 AM


Mga Laro sa Enero 4
(Mall of Asia Arena)
3 p.m. Talk ‘N Text vs Alaska
5:15 p.m. Meralco vs Air21

BALANSENG pag-atake ang ginamit ng Barako Bull para paiwiin ang pagiging batang koponan ng Globalport tungo sa 108-95 panalo sa huling laro sa 2013 ng PLDT myDSL PBA Philippine Cup kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Si Dennis Miranda ay mayroong 19 puntos, si Dorian Peña ay may double-double na 15 puntos at 10 rebounds habang sina Mick Pennisi, Carlo Lastimosa, Keith Jensen at Mark Isip ay nagtulung-tulong sa 47 puntos at ang Energy Cola ay nanalo kahit mahina ang panimula sa unang yugto.

“We came from a heartbreak loss to Rain or Shine in our last game. So I told them we approached Christmas with a win against Meralco and this is our last game this year, let’s approach the New Year with a bang,” pahayag ni Barako Bull coach Bong Ramos

Ito ang ikalawang panalo sa huling tatlong laro ng koponan para umangat sa ikapitong puwesto sa 4-7 baraha.
May 30 puntos si Jay Washington para sa Batang Pier na hindi napangatawanan ang maagang paghawak ng 13 puntos na kalamangan sa unang yugto para matalo sa ikatlong sunod at bumaba sa 4-6 karta.

Lumamang sila sa 29-16 at hawak pa ang 36-25 bentahe sa limang sunod na puntos ni Terrence Romeo pero nagtulong sina Isip, Jensen at Miranda sa 20-9 palitan para magtabla ang dalawang koponan sa 45-all.

Tinapos pa ng Barako Bull ang ikalawang yugto sa mga buslo nina Willie Wilson at Miranda upang lumamang pa ng isa, 50-49.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending