MMFF pinagpapaliwanag sa mga di makataong regulasyon at desisyon
Tawa kami nang tawa sa pinairal daw na kautusan ng pamunuan ng MMFF nu’ng gabi ng parangal. Bawal daw magpainterbyu ang kahit sinong personalidad na ang sasabihin ay kontra sa naging resulta ng awards night.
Bawal din daw umiyak sa backstage ang natalong artista, may mga CCTV cameras daw du’n, malalaman at malalaman daw nila kung sino-sino ang nagdrama dahil natalo sa botohan.
Bawal daw mag-walkout ang artista, may kapantay kunong multa ang ganu’n, puwedeng umiyak ang artista sa akto ng pagtanggap ng kanyang tropeo sa entablado pero hindi kapag natalo siya.
Totoo ba ‘yun? May katotohanan ba ang mga kuwentong ganu’n na pinairal daw ng mga tagapamuno ng MMFF? Ano ‘yun, karapatang-pantao na ang kanilang sinaklawan kung ganu’n?
Nakakaloka naman kung totoo nga ‘yun, ngayon lang kami nakarinig ng ganyan na bawal magpakita ng emosyon ang natalong kalahok, bawal magpainterbyu ang kahit sinong nominado ng anumang laban sa MMFF.
Wala si Maricel Soriano na nanalong best actress, kailangan pagmultahin nila ang aktres, dahil kasama sa pinairal nilang batas na bawal umabsent ang mga nominado sa kanilang gabi ng parangal.
Kung ano-ano ang ikinakatsang ng mga miyembrong ito, hindi na lang nila ipaliwanag kung bakit tinalo ni Maricel si KC Concepcion at kung bakit best float lang ang pakonsuwelo de bobong ibinigay nila sa “Boy Golden”, gayong tulad ng pelikula ni Robin Padilla ay Graded A rin. Nakakaloka talaga kayo!
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.