Angel: Ayoko nang guluhin ang isip at puso ko! | Bandera

Angel: Ayoko nang guluhin ang isip at puso ko!

Ervin Santiago - December 30, 2013 - 03:00 AM


“GUSTO ko munang ipahinga ang puso ko!”  ‘Yan ang paninindigan ngayon ni Angel Locsin matapos ang ilang taon din nilang relasyon ni Phil Younghusband.

Kasabay nito inamin ng Kapamilya actress na medyo naguluhan lang siya sa balitang sinabi raw ni Phil na mahal na mahal pa rin siya nito hanggang ngayon.

Sey ni Angel, mas gusto niyang paniwalaan na tapos na ang lahat sa kanila ng Azkals player at hinaharap niya ang bagong yugto ng kanyang buhay ngayon bilang isang single lady.

Ayaw na rin niyang mag-react sa mga naging pahayag ni Phil tungkol sa kanilang dalawa. “Well kami naman ni Phil wala namang away na namagitan sa amin.

Mabait ‘yung tao, siguro kailangan mas mabasa ko muna ‘yung article bago ako makapag-react. Nagulat ako, ‘yun lang ang masasabi ko. Nagulat ako sa nasabi niya. Hindi ko ine-expect ‘yun,” tila naguguluhang chika ni Angel.

“At tulad ng sinasabi ko lagi, he’s still special for me kaya lang ngayon medyo confused ako sa mga nangyayari kasi ang alam ko hiwalay kami ngayon at ‘yun ‘yung hinaharap ko. Ayokong mag-entertain ng kahit anong bagay,” aniya pa.

“Ayoko guluhin ‘yung isip ko at puso ko basta gusto kong magpahinga na lang muna talaga. Gusto kong ipahinga ‘yung puso ko,” dugtong pa ng dalaga sa isang interview.

“Ang hirap kasi nu’ng naghiwalay kayo tapos siyempre inaayos mo ang sarili mo para makalimot o maka-move on tapos eh ngayon papasok ka na naman sa baka magkabalikan.

‘Yun bang parang naguguluhan na ako, eh kung saan ba ako lulugar ‘di ba? “Bahala na, hindi pa naman kami nagkikita eh. Hindi naman niya ako kinausap tungkol du’n sa interview ‘di ba so ewan ko,” hirit pa ng aktres.

Tungkol naman sa pagli-link uli sa kanila ng ex-boyfriend na si Luis Manzano, inamin ni Angel na totoong may communication na uli sila ng binata, pero wala naman daw itong malisya,  “Kasi ayoko ng issue eh.

Respeto kay Phil, respeto sa ex niya, parang ganu’n,” na ang tinutukoy nga ay si Jennylyn Mercado. Samantala, malapi nang ipalabas ang bagong serye ni Angel sa ABS-CBN, ang The Legal Wife, kasama sina Jericho Rosales, Maja Salvador at JC de Vera. mula sa direksyon nina Rory Quintos at Dado Lumibao.

Ka-join din sa seryeng ito sina Joem Bascon, Ahron Villena, Christopher de Leon, Rio Locsin at Mark Gil.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending