Toni sa loveteam nila ni Lloydie: Walang rason para magselos sina Angelica at direk Paul! | Bandera

Toni sa loveteam nila ni Lloydie: Walang rason para magselos sina Angelica at direk Paul!

Ervin Santiago - December 24, 2013 - 03:00 AM


AMINADO si Toni Gonzaga na nakaramdam siya ng kaunting ilang at hiya nang gawin nila ni John Lloyd Cruz ang mga sweet moments nila sa bagong sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home.

Halos tatlong taon na rin kasi ang lumipas matapos nilang gawin ang pelikulang “My Amnesia Girl” ng Star Cinema noong 2010. “Iba yung level ng comfortability namin ni John Lloyd sa isa’t isa.

Hindi naman kami every day nagkakasama sa work. “Huli kaming nagkasama was three years ago, so nung nagkasama uli, nakakailang uli.

Gumawa kami ng mga eksena na sweet, pero di madali na maibalik yung dating pagsasama,” paliwanag ng TV host-singer-actress.

Pero dahil napakagaling ngang artista ni John Lloyd, hindi naman daw nagtagal ang ilanmg factor, “Mahusay naman kasi siya. Mapagbigay at magaling na aktor.

“Hindi mawawala ang hiya nung una, pero eventually nagdire-diretso na, wala na,” chika pa ni Toni. “Si Lloydie kasi, napakabait na tao, mapagbigay, at napaka-generous sa eksena.

Suwerte ang mga nakakatrabaho niya talaga kasi he brings out the best,” papuri pa ng Ultimate Multi-Media Star. Tiniyak naman ng dalaga na walang dapat ikaselos ang kani-kanilang partners in real life sa mga intimate scenes nila sa Home Sweetie Home – si direk Paul Soriano nga kay Toni at si Angelica Panganiban naman kay Lloydie.

“Naku, hindi. Magkakaibigan kami. Siguro sa sobrang dami ng trabaho ko noon, tapos naka-partner ko na rin (si John Lloyd), never naman nagkaroon ng ganoon.

“Siguro, for almost six years, nabuo na yung trust na iba ang trabaho at iba ang personal,” sey pa ni Toni. Sey pa ni Toni, sinabi raw sa kanya ni direk Paul na isa sa mga pinakamagandang pelikulang nagawa ng aktres ay ang “My Amnesia Girl” nila ni John Lloyd.

Makakasama rin sa Home Sweetie Home sina Rico Puno, Sandy Andolong, Jayson Gainza, Miles Ocampo, Clarence Delgado, Joross Gamboa, Ketchup Eusebio, Eda Nolan, Ryan Bang, Eric Nicolas at Mitoy Yonting.

Ito’y sa direksiyon ni Bobot Mortiz at magsisimula na sa Jan. 5, 2014, pagkatapos ng Goin’ Bulilit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending