Spotlight: Gelli hindi lang pang-romansa | Bandera

Spotlight: Gelli hindi lang pang-romansa

|October 23,2011
facebook
share this

Spotlight: Gelli hindi lang pang-romansa

- October 23, 2011 - 01:09 PM

“ARIEL and I have been together for almost half of my life,” deklara ni Gelli de Belen.
At para sa kanya ang relasyon ay hindi lamang passion and romance.

Sinabi ni Gelli na kapag nag-umpisa nang mawala ang kilig sa mag-asawa, ang madalas na komunikasyon na ang nagiging driving force ng kasal.

“Ariel and I have been together for almost half of my life. And it’s not all passion; it’s not all romance. That will only take [the relationship] for the first three or five years. Napapalitan ng deeper connection from years of being together and knowing each other,” ani Gelli na 14 na taon nang kasal kay Ariel Rivera.

Inilungsad kamakailan ang upcoming show ni Gelli sa TV5—ang “Gellicious.”
Sinabi ni Gelli, 38, na hindi na kailangang magsalita ni Ariel para malaman ang nararamdaman nito.

“Buntong-hininga pa lang! I can tell whether he’s exhausted or sick the minute he enters the room. I can tell whether he’s happy or riled up by the look in his eyes,” aniya.

Ang pag-uugnayan umano nila ni Ariel nang hindi gumagamit ng salita ay isa sa mga bagay na pinapahalagahan niya sa kanilang pagsasama.

“More than the romance, you will realize that this is even better. Not everybody is blessed to have a partner that you can understand, and understand you in such way,” ani Gelli

Hindi na umano nagde-date ang dalawa ng madalas gaya dati pero sinisiguro ni Gelli na mayroon silang “quality time” kasama ang kanilang dalawang anak na sina Joaqui, 12, at Julio, 10.

“One of our bonding moments is driving the kids to school, and fetching them every day. All the time in between, Ariel and I are together. We watch DVDs and work out at home. We eat out and also watch movies in cinemas. And sometimes we go to Tagaytay,” aniya.

Mayroon din umano siyang mga maliit na surpresa sa kanyang mister at si Ariel naman ay mayroong mga maliliit na unexpected gesture na lalong nagpapatamis sa kanilang pagsasama.

Pero gaya ng isang mag-asawa, aminado si Gelli na sila ay nagkakaroon din ng tampuhan at hindi pagkakaunawaan.
“Bago pa umabot sa bangayan o sa away, naiisip ko nang ayaw niya ‘yung ginawa ko.”

Dumating na ba sa punto na pinaghinalaan niya na mayroong kalaguyo ang kanyang asawa?
“Kailangan good boy siya! Wala siyang choice. Siguraduhin niyang wala,” ani Gelli.

Back to 5
Kamakailan ay pumirma si Gelli ng dalawang taong kontrata sa TV 5. At sa unang pagkakataon sa kanyang 18 taon ay babalik siya sa istasyon kung saan nagsimula ang kanyang career.

Si Gelli ang original cast ng 1994 gag show na “Tropang Trumpo,” kasama sina Michael V, Ogie Alcasid, Earl Ignacio at Carmina Villaroel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa kanyang unang proyekto sa Kapatid network, si Gelli ang magiging host ng “Gellicious,” isang food magazine show na magpapakita ng mga best restaurants, street food, exotic delicacies at gastronomic delights ng bansa. Magsisimula itong umere sa Okt. 24 ng alas-11 ng umaga.

Nang tanungin kung ano ang paboritong pagkain ni Ariel: “Kare-kare, because it’s rich, delicious and complete!”
Para sa kanya naman ay kanin: “You can’t eat kare-kare without rice!” — Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending