Dingdong, Marian dedma sa mga taong nega | Bandera

Dingdong, Marian dedma sa mga taong nega

Ervin Santiago - December 23, 2013 - 03:00 AM

SA mga tumututok sa GMA TeleBabad series na Genesis, narito ang mga susunod na mangyayari ngayong linggo. Matutunton na ba ni Isaak (Dingdong Dantes) ang kaniyang pamilya? Sa pagdating ng military sa kampo ni Ramona (Jackielou Blanco), mapipilitan si Isaak humarap sa isang matinding desisyon: hahayaan ba niyang makatakas sina Ramona kapalit ng kaligtasan ng kaniyang mag-ina?

Susubukin naman nina Shiela (Lauren Young) at Elena (Snooky Serna) na pagaanin ang kalooban ni Sandra (Lorna Tolentino) sa patuloy ng hamak sa kaniya ng taong-bayan.

Babalikan naman nina Andy (Derrick Monasterio) at Faith (Barbie Forteza) ang lola ng huli. At sa pagtuklas ni MJ ng kahihinatnan ng kaniyang kapatid na si SummerR, gagawa siya ng hakbang na lalo nilang ikapapahamak!

Samantala, wala nang kawala si Isaak sa mga tao ni Ramona. Pero hindi pa nawawalan ng pag-asa ang lalake! Hihimukin ni Isaak ang mga rebelde na imbis makipagpatayan ay gamitin ang nalalabing oras sa mundo para makasama ang kanilang mga pamilya.

Isa-isang titiwalag ang mga rebelde kay Ramona na nagpakita na ng kaniyang tunay na kulay. Kasama ng mga loyal sa kaniya, tatakas na si Ramona—iiwan na nito ang mga rebeldeng tumiwalag, pati na rin si Paolo (TJ Trinidad) na matindi na ang obsession kay Raquel (Rhian Ramos).

Sa pag-alis ni Ramona, at sa paghatak ni Paolo kay Raquel papunta sa gubat— sino ang susundan ni Isaak? Samantala, magtatalo naman sina Andy at Faith nang hilingin ng huli na bumalik na ang nobyo sa facility ng Project Genesis, para mailigtas nito ang sarili.

At agad namang matutunton ni Sandra at ng mga tao niya kung saan nagpunta ang mga anak niya. Pero mahihiwalay sa isa’t-isa ang magkapatid, at isa lang dito ang maliligtas ng military!

Samantala, tahimik ang relasyon nina Dingdong at Marian Rivera ngayon, at in fairness, tumigil na rin ang ibang bashers nila sa mga social media sa kaka-post ng mga kanegahang mensahe.

Tama ang sinabi ni Dingdong na mapapagod din ang mga taong nambabastos sa kanila ni Marian dahil naniniwala sila na good karma ang darating sa buhay ng isang tao kung wala kang inaagrabyado o binabastos na kapwa mo.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending