KC: Hindi naman ako atat magka-boyfriend!
Tungkol sa lovelife ni KC Concepcion ang tinanong sa kanya sa presscon ng “Shoot To Kill: Boy Golden” mula sa Scenema Concept International na release naman ng Viva Films noong Martes ng tanghali.
“Matagal na rin po akong hindi nakakapag-commit ulit, so I’ll will be very happy to being in a relationship, pero hindi naman po ako ‘yung tipo ng girl na desperadong magkaroon ng partner or anything.
“But I’m, siguro alam n’yo po ‘yung usually nangyayari sa relationship parang ‘yung lalaki ang napi-pressure sa babae kasi gusto ng mag-commit ng babae.
“‘Yung nangyayari po sa akin ngayon parang baliktad, ako po ‘yung parang napi-pressure kasi ako po ‘yung hindi masyadong serious sa isang relationship, pero nangyari lang po ‘yun dahil sa kahit paano sa rami ng napagdaanan ko rin, ayoko na pong masaktan ng ganu’n kaya masyado po akong naging careful siguro,” pahayag ni KC.
Inamin din ng dalaga na nalampasan na niya ang traumang dinanas niya sa nakaraang relasyon niya, “naka-get over nap o ako, naka-move on na ako, ‘yun lang po siguro ‘yung feeling na mas careful ako do’n sa ayokong duma-dive ako kaagad,” katwiran ng aktres.
Tatlong personalidad ang nauugnay ngayon sa dalaga ni Sharon Cuneta, sina Paulo Avelino, Phil Younghusband at Luis Manzano na inamin din naman na nakakausap at nakaka-text niya ang dalawa sa tatlo ng nabanggit.
“Meron pong totoo at meron pong sobrang walang pinanggalingan (Phil), kina Luis at Paulo po ako pinakamalapit,” paglilinaw ni KC.
Lumalabas daw on date si KC pero hindi niya inamin kung sino kina Paulo at Luis, “Ahh, very close po ako sa kanila (Paulo at Luis), pero ayoko pa pong magsalita, ayoko po gumulo, baka po masyado akong maraming marinig na opinyon, wala pa namang bumungang solid, parang ayoko po munang magsalita masyado about (them).”
At pag may nagyaya raw sa dalaga, ang diskarte raw ay, “Friends, diskarte ‘yan ng ibang guys, friends (friendly date) muna, ganu’n.”
Ito ba ang diskarte nina Paulo at Luis, friends, “Ay hindi ko po alam. Ha-hahaha!” tumatawang sagot ni KC. Kanino mas close si KC, kay Paulo o kay Luis, “Lagi po kaming magka-text ni Luis pero lagi rin po kaming nag-uusap ni Paulo.” Dadag niya, “Wala pong serious, kinikilig ako, hayaan n’yo muna akong kiligin.”
Kanino mas kinikilig ang dalaga? “Ayoko pong sagutin ‘yan,” tumatawa uling sagot ng aktres. Tungkol naman sa first screen kiss ni KC sa isang action star na si Gov. ER na leading man niya at kung ano ang pagkakaiba nito sa halik ng dramatic actor.
“Yung pinanggalingan ng eksena siguro, panoorin n’yo na lang po ‘yung movie kasi napaka-unpredictable po ng mga nangyari. Kasi nagulat din ako, parang ay paano nangyari, every scene, nakakatawa kasi sa sobrang hindi mo nakikita ‘yung mangyayari next, ganu’n,” paliwanag ng aktres.
Hindi rin itinanggi ni KC na sobra siyang kinabahan ng malaman niyang may kissing scene sila ni ER, “Of course (sobrang kabado), pero pinag-usap kami (ER) ni direk Chito Roño ng maayos, pinagharap kami ni direk Chito ni Gov, nag-usap-usap kami, nu’ng EP (executive producer), pinag-usapan namin ‘yung mga limitasyon.
“May mga limitasyon po ako (kissing scenes), parang never pa po ako nagla-love scene and siguro hindi ito ‘yung venue para sa first na talagang love scene ko kasi mas naka-focus siya sa action drama, hindi naman sa mostly sa kilig factor or anything,” paliwanag mabuti ng dalaga.
Anyway, mapapanood na ang “Shoot To Kill: Boy Golden” sa Dis. 25 kasama sina Tonton Gutierrez, Eddie Garcia, John Estrada at marami pang iba na idinirek ni Chito Roño.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.