Sa edad na 6, Kris tinuturuan na si Bimby ng tamang diskarte sa babae | Bandera

Sa edad na 6, Kris tinuturuan na si Bimby ng tamang diskarte sa babae

Jobert Sucaldito - December 17, 2013 - 03:00 AM


OKAY na sana yung pinayagan niyang mag-artista ang anak niyang si Bimby Aquino Yap pero marami ang naloloka sa nga anik-anik na topics na di naman pambata ang tinuturo raw ni Kris Aquino sa kaniyang bunso.

“Six years old pa lang ang anak niya pero kung anu-ano na ang mga itinuturo niyang mga bagay-bagay sa bata. Tulad na lang ng pinangangalandakan niya lately na kesyo paglaki raw ni Bimby ay okay lang daw na umabot sa 50 ang girlfriends niya for as long as one at a time lang daw.

“Tuwang-tuwa pa siyang ikinukuwento sa madlang pipol na mismong ang anak daw niya ang nagsabing “one at a time” lang daw pag nagka-girlfriend ito. Oh no! Anong klaseng ina itong si Kris? Normal ba iyan?

“Hindi niya dapat tinuturuan ang bata ng ganyang mga kuwento. Hindi pa alam ng bata iyon. Parang tinuturuan niya ang batang magkamalisya. Normal ba ang babaeng iyan?

Iyan siguro ang epekto ng sobrang katalinuhan niya, akala niya cute, nagpapakyut siguro ang babaeng iyan without realizing na hindi maganda ang magiging resulta niyan sa anak niya,” anang isang kaibigan naming babaeng may alam sa child psychology.
Oo nga naman.

Let the boy enjoy his childhood – yung tulad ng ordinary kids na simple lang ang mga gusto sa buhay. Hindi nga dapat pinaparamdam sa anak niya ang pagiging sobrang special– na mayaman sila – na tito niya ang presidente – na anak siya ng sikat na TV host, wala naman sa mga bata iyan kung anong status meron sila eh.

A six year old is a six year old na simple lang ang mga gusto sa buhay – maglaro, mag-aral, magsaya, matulog, kumain ng kendi, uminom ng gatas, mamasyal, etc..

Other than those, sana ay gina-guide ito nang maayos. Baka akala kasi ni Kris, her way of bringing her child up is the best way kasi nga si Kris Aquino nga siya.

But of course, simple lang naman ang ibabalik ni Kris sa mga nagsa-suggest o nag-a-advise sa kaniya on how to bring up a child dahil knowing her pagkapikon – baka balikan kayo ng “lead your own life, huwag niyo akong pakialaman, puwede ba!”

Alam niyo naman si Kris, mapag-usapan lang, kahti ano ay sasabihin. Baka nga akala niya ay cute siya palagi. Malay!

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending