Kasal sa kapwa lalaki (2) | Bandera

Kasal sa kapwa lalaki (2)

Joseph Greenfield - December 16, 2013 - 03:00 AM

Lito ng Barangay Conel, General Santos City
Problema:
1.      Ako po’y pusong babae na nakabilanggo sa katawan ng lalaki.  Life begins at 40 na ako at dinadalaw na ng labis na kalungkutan, lalo na pagkatapos makipag-date sa kapwa ko lalaki at aalis na at iiwan na ako ng aking ka-date.  Walang nagtatagal na lalaki sa akin kahit na sobra-sobra ang suporta ka sa kanya.
2.    Silipin nga ninyo kung may lalaki ako makakasama habambuhay? Tulad ng nababalitaan ko sa abroad, gusto ko na ring magpakasal sa kapwa ko lalaki.  Sinu-sino ang ka-compatible ko at makakasama habambuhay? October 29 ang birthday ko. Kung sakaling ako ay magkakaroon ng makakasama habambuhay kahit ako’y bading, kailan naman siya darating?
Umaasa,
Lito ng Barangay Conel, General Santos City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2. ) ang nagsasabing siguradong magkakaroon ka ng panghabambuhay na makakasama, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing ang lalaking panghabambuhay mong makakasama ay isinilang sa petsang 7, 16 o kaya’y 25, na nakatakda mong makilala sa mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre, sa isang social gathering.
Luscher Color Test:
Sa unang pagtatagpo ninyo ng lalaking makakasama mo habambuhay, ikaw ay nakasuot ng kulay na pula, habang siya naman ay naka-white. Ito ang palatandaang ang nasabi na ngang lalaki, na medyo malaki ang katawan ang magiging last boyfriend mo at makakasama mo na habambuhay.
Huling payo at Paalala:
Lito, bagama’t sa ating kultura, lalo na sa Pilipinas, bihira lang sa mga bakla, bading o homosexual ang nagkakaroon ng panghabambuhay na ka-partner, sadya namang napakapalad mo, dahil ayon sa iyong kapalaran may itinakda sa iyo ang tadhana na makakasama mo habambuhay, tulad ng nasabi na, isang lalaking Taurus na nagtataglay ng initial na R.O. na nakatakda mong makilala sa buwan ng Oktubre, habambuhay na kayong magsasama, bagama’t wala kayong magiging supling magiging maligaya parin ang inyong relasyon sa sandaling nag-ampon kayo ng isang anak-anakang babae, upang lalo pang lumigaya at maging panghabambuhay na ang nasabing unique at kakaibang samahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending