NAY PYI TAW — Bagaman nagluluksa ay pagsisikapan pa rin ni Iris Ranola na makakuha ng medalya ngayon sa women’s billiards ng 27th SEA Games.
Ito kasi ang bilin sa kanya ng kanyang yumaong ama bago siya tumulak papuntang Myanmar. “Ang sinabi niya sa akin last time na magkita kami, ‘Lumaro ka,’” sabi ni Ranola.
“Kaya tatapusin ko ito at ang bawat laro ko i-de-dedicate ko sa kanya.” Habang nasa Myanmar ay nabalitaan ni Ranola na pumanaw na ang kanyang ama sa sakit na cancer of the throat nitong Miyerkules.
Bubuksan ni Ranola ngayon ang pagdepensa niya sa women’s title ng 9-ball pool singles ngayon umaga sa Wunna Theikdi Stadium. Makakasama ni Ranola sa torneo si 2013 women’s 10-ball world champion Rubilen Amit.
Lalaban din ngayong hapon sina Efren “Bata” Reyes at Francisco dela Cruz sa carom one-cushion event. Samantala, inaayos na ng mga delegation officials na makauwi ng mas maaga si Ranola para makarating sa libing ng kanyang ama sa Disyembre 23 sa Zamboanga City.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.