Robin namimili kung saan pipirma ng kontrata: Sa TV5 o sa ABS-CBN? | Bandera

Robin namimili kung saan pipirma ng kontrata: Sa TV5 o sa ABS-CBN?

Reggee Bonoan - December 13, 2013 - 03:00 AM

ROBIN PADILLA INQUIRER

BONGGA ang manager ng mag-amang Robin at Kylie Padilla na manager din ni Jasmine Curtis Smith na si Betchay Vidanes dahil wala siyang ginawa kundi pumirma nang pumirma ng kontrata para sa product endorsements at TV network para sa mga alaga niya na nagkasabay-sabay sa isang araw.

Kaya pala marami siyang dalang damit sa sasakyan para iba-iba ang raw suot niya sa photo op. Ha-hahaha!

Tulad na lang ni Jasmin na pumirma ng three-year guaranteed contract sa TV5 noong Miyerkules. Si Robin na lang daw ang hindi pa pumipirma dahil namimili pa between ABS-CBN and TV5 na pareho nang nagpadala ng kontrata.

“Siya ang bahalang mamili at mag-decide, basta ako, nu’ng ipadala sa akin ang draft contract, ibinigay ko sa kanya at hahayaan ko siyang magdesisyon. Basta ako, kung saan siya masaya, doon ako,” kuwento sa amin ng manager ng aktor.

Guaranteed contract ang offer ng dalawang TV network at malaki ang talent fee kaya ano pa ang dahilan ni Binoe na hindi mamili?

“Naku, tapos na siya sa mga ganu’n na malalaki ang kita, gusto niya ‘yung kuntento siya at masaya siya. Hindi rin niya type sumuweldo ng walang ginagawa, gusto niya, pinaghihirapan niya.

“Kaya bahala siya mag-isip kung ano pipiliin niya, ABS ba o TV5,” pagtatapat sa amin.

Teka, wala bang offer ang GMA 7? “Hindi naman sila naglatag pa, wala silang ibinigay na kontrata, so walang offer,” sabi ng manager.

Sabi babalik na ng GMA ang aktor at makakasama siya sa serye ng anak na si Kylie?

“Sabi nila magge-guest daw, e, depende sa role, kasi ‘yung offer na tatay siya ni Kylie sa Adarna, e, mamamatay naman siya, ayaw naman ng lolo mo ‘yun, siyempre gusto niya buhay siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya hindi niya type ‘yun, pero kung may i-offer daw na maski maliit na role pero maganda, okay sa kanya, e, so far, wala naman pa,” paliwanag ni Betchay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending