Justin Bieber dumalaw sa Yolanda Victims, magbibigay ng 1-M Dolyar | Bandera

Justin Bieber dumalaw sa Yolanda Victims, magbibigay ng 1-M Dolyar

Ervin Santiago - December 11, 2013 - 03:00 AM


Dumating sa Pilipinas kahapon ng umaga ang Canadian pop superstar na si Justin Bieber. Ito’y may kaugnayan pa rin sa kanyang sariling charity mission para makalikom ng malaking halaga for Yolanda victims.

Lumapag ang sinasakyang private plane ni Justin sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 dakong 7:10 a.m. Habang sinusulat namin ito, nakatanggap kami ng balita na patungo na sa Tacloban, Leyte si Justin.

Nirentahan daw ng international singer ang private jet ni Willie Revillame. Ang pagpunta ng international singer sa bansa ay bahagi pa rin ng kanyang “#GiveBackPhilippines” campaign, ang malilikom na halaga mula rito ay ibibigay sa Unicef, Action Hunder at Philam Foundation na siyang mamamahagi sa mga nabiktima ni Yolanda.

Nang malaman niya ang tungkol sa nangyaring trahedya sa Pinas agad siyang nag-tweet ng, “The moment I heard about the tragedy a few weeks back, I know I can count on you guys to make a difference.

So I’m asking you guys to help me, help them. Check prizeo.com/justin. “As you give back, I’m doing something I’ve never done before. I’m bringing that winner to come with me at the studio next year.

I want you guys come and help me in the studio to give me some ideas. But first, you guys got to give back. I’ll raise money and you’ll come to the studio with me. So please, please help me, help them,” dagdag pa niya.

Noong Dec. 4 sinimulan ni Justin ang nasabing campaign at sa pamamagitan ng prizeo.com, isang micro-donation site, nabatid na umabot na sa mahigit kalahating milyong dolyar ang nalikom ni Justin.

Isang milyong dolyar ang target ng singer. At bilang kapalit, isa sa mga nag-donate ang pipiliin ni Justin para makasama sa isang “studio hangout” next year.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending