Anderson Cooper sa Walk of Fame Philippines isang kabobohan
Not for anything, ha, pero maling-mali para sa amin na isama kaagad sa local Walk of Fame natin ang CNN news personality na si Anderson Cooper.
Just because he did a coverage after the wrath of typhoon Yolanda ay bibigyan na kaagad siya ng ganoong distinction? Bakit?
Ang paliwanag ay nakatulong si Anderson sa pagpapalaganap ng extent ng perwisyong idinulot ni Yolanda. At ang pagkakaroon niya ng name sa Walk of Fame ay bilang pasasalamat daw natin sa kanya. Gano’n?
Para sa amin ay nakakatawa talaga ang pagkakasali ng name ni Anderson sa Walk of Fame Philippines. It was a miscalculated move, something which was HASTILY done, hindi pinag-isipan. To us, it appears na there is a DESPERATE move para mapansin ang organizer ni Anderson. That’s very STUPID! Or to some extent, IDIOTIC!
Wala bang Pinoy news anchor o reporter na naghirap din sa Yolanda coverage?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.