HOROSCOPE, December 09, 2013 | Bandera

HOROSCOPE, December 09, 2013

Madam Sophia - December 09, 2013 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Sa pag-ibig, habang lumalamig ang panahon hagkan at bigyan ng matamis na halik ang minamahal. Sa pinansyal ngayong kapaskuhan may salaping hindi inaasahan ang biglang mahuhulog sa langit. Mapalad ang 5, 8, 9, 44, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghaya-Traya-Om.” Red at blue ang buenas.  
Aries – (Marso 21-April 19)— Sa pinansiyal, hindi dapat magwalang bahala sa mga problemang pang-pinansyal na dumarating sa inyong pamilya – gumawa na ng aksyon ngayon bago tuluyang lumala ang sitwasyon. Sa pag-ibig lalo pang mahalin ang kasuyong Leo. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Maroon at gold ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Disiplina ang kailangan upang lumigaya. Bawasan at laging mag-exercise upang sumeksi kang muli at mabawasan ang iyong bilbil. Sa pinansiyal, iwasang maging lustay, kahit maliit ang kinitakita, pilitin paring mag-ipon. Mapalad ang 3, 18, 21, 33, 39 at 45, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mani-Padme-Om”. Pink at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Sa buwang ito ng Disyembre may bagong pagkakakitaang matutuklasan. Sa pag-ibig, isang tigang na Aries ang magpapapasin sa iyo – sunggaban mo agad! Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bhuvah-Om-Bhanah.” Red at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) —Makakamit ang tagumpay kung sariling diskarte ang aasahan. Sa pag-ibig, ikaw ang unang gumawa ng hakbang, upang muling uminit ang relasyon. Sa pinansiyal, ikaw mismo ang kumilos upang madoble ang kinikita. Mapalad ang 8, 16, 24, 34, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra, “Om-Sahana-Vavatu-Om.” Green at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Mag-ingat, may mangungutang na naman! Kung hindi siya matanggihan ¼ lang ng inuutang ang iyong ibigay, upang hindi sumama ang loob mo kahit na hindi siya magbayad.  Sa pag-ibig, basta’t ang kasuyong Aries ang kasama magiging okey ang lahat. Mapalad ang 2, 7, 21, 27, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Om.” Red at green ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Ngayong kapaskuhan patawarin ang mga taong sayo’y nagkasala. Sa ganyang paraan, biglang madodoble ang kita. Sa pag-ibig, kalimutan na ang pagkakamali ng kasuyo upang maging happy uli ang relasyon. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Padme-Om.” Orange at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Sa paskong darating pag-ibig ang susi upang limigaya. Sa negosyo, haluan ng pagmamahal ang iyong serbisyo at produkto. Sa pakikipag-relasyon, palasapin ang kasuyo ng natamis na halik. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 36 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babatiin ko ang araw na itong puno ng pag-ibig ang aking puso!” Blue at brown ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa araw na ito tularan mo ang matsing – mautak! Sa pamamagitan ng matalinong pagpapasya, madodoble ang kinikita. Sa pag-ibig, wag puro puso ang gamitin, gumamit  ng rason upang lumigaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Maham-Jaya-Om.” Blue at silver ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Laging magpasalamat sa Diyos,  dahil sa kabila ng mabibigat na pagsubok na pinagdaaan, matatag ka pa rin at kaya pang magpatuloy upang mapitas ang tagumpay at ligaya. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He Vau-Weh.” White at blue ang  buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pinansiyal, hindi awa ang dapat, kundi ang pagiging mukhang salapi upang yumaman. Sa pag-ibig, kung puro damdamin ang paiiralin, paano ka uunlad? Mapalad ang 4, 14, 23, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dosya-Om.” Orange at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Isang kasamahan ang mag-tsismis sa mga sinasabi mo. Wag gaanong magtitiwala sa mga kaibigan. Wag ding magyabang upang hindi ka nila kainggitan. Sa pag-ibig, basta tahimik ka lang kusang darating ang true love. Mapalad ang 7, 13, 22, 36 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Taph-Harth-Harath.”  Pink at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— ‘Wag dayain ang sarili! Kapag alam mo ng palugi ang investment tumigil ka na bago malubog sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, kung alam mo namang iskadalo ang magiging wakas, wag ng ituloy ang lihim na relasyon. Mapalad ang 4, 14, 23, 36, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Padme-Om”. Magenta at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending