HINDI iumano totoo ang kumakalat na impormasyon sa Facebook na naghain ng Anti-Angry Birds bill si Quezon City Rep. Winnie Castelo.
Sinabi ni Castelo na wala siyang inihahaing panukala upang pigilan o ipatangal ang larong Angry Birds sa internet na ilalaro ng libu-libong Filipino.
Hirit pa ni Castello maging siya ay naglalaro nito at maging ang kanyang mga anak.
Ang Angry Birds ay isang puzzle video game na ginawa ng Finnish computer game developer na Rovio Mobile.
Umaabot na sa 12 milyon ang mga bumili ng laro sa Apple App Store, ang unang naglabas nito. – Leifbilly Begas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending