Win streak ng Nuggets, Thunder winakasan ng Cavaliers, Blazers
CLEVELAND — Umiskor ng 23 puntos si Kyrie Irving para tulungang biguin ng Cleveland Cavaliers ang Denver Nuggets, 98-88, at wakasan ang seven-game winning streak nito kahapon sa NBA.
Nagdagdag naman ng 17 puntos at career-high 21 rebounds si Tristan Thompson para sa Cavaliers na nanalo ng dalawang sunod sa kauna-unahang pagkakataon sa season na ito.
Nag-ambag din ng season-high 18 puntos at 13 rebounds si Anderson Varejao mula sa bench.
Ito naman ang unang kabiguan ng Nuggets mula Nobyembre 18.
Nanguna para sa Denver sina Randy Foye na may 16 puntos at J.J. Hickson na may 15 puntos at 11 rebounds.
Blazers 111, Thunder 104
Sa Portland, gumawa ng season-high 38 puntos at 13 rebounds si LaMarcus Aldridge para pangunahan ang Portland Trail Blazers sa pagputol nito sa seven-game winning streak ng Oklahoma City Thunder.
Tumira ng tres si Nicolas Batum may 29.9 segundo na lang ang natitira sa laro para masiguro ang panalo para sa Portland na nanalo ng ika-14 beses sa huling 15 laro at may 8-1 record sa kanilang homecourt.
Gumawa naman ng 33 puntos si Kevin Durant para sa Thunder.
Nagtapos na may 14 puntos at anim na rebounds si Batum.
Hawks 107, Clippers 97
Sa Atlanta, napantayan ni Kyle Korver ang NBA record para sa consecutive games na may 3-pointer bukod pa sa pag-iskor ng season-high 23 puntos para sa Atlanta Hawks.
Nagbalik si Korver mula sa apat na larong pahinga bunga ng rib injury at agad siyang nagparamdam para sa Hawks.
Sa unang minuto ng laro ay nagbuslo agad ng tres si Korver para makatabla ang 18-year-old record ni Dana Barros na umiskor ng three-point shot sa 89 diretsong laro mula Disyembre 23, 1994 hanggang Enero 10, 1996.
Ang Hawks ay pinangunahan nina Paul Millsap na may 25 puntos at siyam na rebounds at Al Horford na may 21 puntos at siyam na rebounds.
Si Blake Griffin ay may 24 puntos para sa Los Angeles Clippers.
Suns 97, Rockets 88
Sa Houston, kumulekta ng 20 puntos at pitong assists si Eric Bledsoe para pangunahan ang Phoenix Suns sa panalo laban sa Houston Rockets.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.