Secret marshal, nasaan? | Bandera

Secret marshal, nasaan?

Lito Bautista - December 06, 2013 - 03:00 AM

MAGPAPASKO na, Pangulong Aquino. Huwag ka nang magalit sa media. Hindi naman galit ang media sa iyo. Nagkataon lang na tila minamalas ka sa sunud-sunod na problema’t kalamidad, tulad ng gera, lindol, bagyo, daluyong ng dagat at baha. Bakit ba ibinuhos sa iyo ito ng kalikasan? Hindi alam ng media kung bakit.

Pero, ang alam ng media ay hindi dapat purihin si Defense Secretary Voltaire Gazmin, hepe ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, dahil hindi nito inihanda ang Armed Forces para sa pagdating ni Yolanda at pilit na pilit ang tulong ng mga sundalo nang lumayas na si Yolanda.

Ang dapat sisihin sa pagkamatay ng marami ay si Gazmin dahil wala siyang risk reduction program. Kaya naman kayo nasisisi ay dahil kayo ang pangulo, pero “man of steel” naman kayo.

Hindi rin dapat purihin si Mar Roxas dahil hindi pinupuri ng media ang walang nagagawa. Pero, ang latay ay umaabot sa inyo dahil kayo ang pangulo. Dapat sibakin mo ang mga walang ginagawa at AIDS (as if doing something).

Kung sina Gazmin at Roxas ay mga kawani ng isang maunlad na kompanya sa Ayala ave., Makati, matagal na silang sinibak. Pero, hindi sila mga kawani kundi masusuwerteng pinagkatiwalaan.

Noong panahon ng martial law, hawak lahat ni Ferdinand Marcos ang media. Araw-araw ay papuri kay Marcos ang inilalabas ng media sa kabila ng paghihirap ng taumbayan at pang-aapi sa kanila. Ganito ba ang gusto mo sa Pasko?

Noong panahon ng yumaong si Estefania Aldaba-Lim, walang nakapaskil sa MSWD relief repacking centers na bawal kumuha ng retrato. Kapag dumating ang relief goods mula sa Amerika ay nakararating ang mga ito sa nangangailangan.

Puwedeng kumuha ng retrato sa kanilang relief repacking centers. Nang ipinagbawal ang pagkuha ng retrato, sunud-sunod na ang reklamo na hindi nakararating sa mga biktima ni Yolanda ang relief goods mula sa ibang bansa.

Siyempre, ano nga naman ang ebidensiya na ninakaw sa DSWD ang foreign relief, eh bawal kumuha ng retrato.

Nasaan ang mga secret marshal? Talamak na ang mga holdapan sa mga pampasaherong jeepney at UV Express sa Commonwealth ave., Quezon City.

Sa higpit ng kompetensiya sa hanapbuhay, ang mga holdaper ay nasa kalye na rin at inaabangan ang mga nag-aabang ng sasakyan. Hindi lang sa Commonwealth ave., nangyayari ang holdapan sa kalye. Pati sa New Manila na distrito ng mayayaman, dahil walang jeepney at UV Express dito, ay nasa kalye na rin ang holdaper. Kamakalawa ng gabi, mabuti na lamang at may napadaang pulis-Antipolo at tumimbuwang ang holdaper pero nakatakas ang kasabwat nito. Sa Makati? Mas talamak ang holdapan at snatching.

Huwag tatanga-tanga kapag namimili sa Divisoria, lalo na sa night market. Imbes na marami ang nabili ng asawa ng reporter, konti na lang ang kanyang nabili sa P10,000 na ibinigay sa kanya ng esposo. Hindi siya naholdap at hindi rin siya nadukutan.
Naisahan siya sa suklian. Binilang daw sa harap niya ang sukli at matigas pa raw ang pagbibilang at medyo malakas pa ang boses. Pagkatapos magbilang, tinanong pa siya ng vendor, “O, ate. Tama iyan ha.

Malinaw?” Tumango ang babae at lumipat siya sa susunod na puwesto.

Nang makarating ng bahay ay hinahanap niya kung ano ang ipinamili niya sa P2,100. Iyan ang nadale sa kanya sa pagbibilang ng sukli ng vendor, na mabilis daw magbilang.

Ibinukod natin ang text ni …3234 dahil may laman ito. Dumami na naman ang vendor sa Blumentritt sa Maynila. Isa lang ang ibig sabihin niyan. Naghahanapbuhay na naman ang tiwaling pulis.

MULA sa bayan (i-text sa 0917-8446769): Sir Lito, dito sa Pontevedra, Capiz may tinitingnan at may tinititigan pagdating sa pamamahagi ng tulong. Kababayan pa naman namin si Interior Secretary Mar Roxas. …8733

Tayo’y dumadaan sa baluktot na daan. …3085

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kami po ay taga-Barangay Minaog, Dipolog City. Wala raw pamasko ang mahihirap sa amin. …4300

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending