Bully ka ba o ikaw ang nabu-bully? | Bandera

Bully ka ba o ikaw ang nabu-bully?

- September 29, 2011 - 02:17 PM

Ni Bella Cariaso

ISA ka bang biktima ng bullying noong nag-aaral ka pa?  O baka ang isa mong mahal sa buhay ang ngayon ay nakararanas ng pambu-bully habang nasa eskwela?

Isinusulong ngayon sa Kongreso ang panukalang batas na naglalayong magpatupad ng polisiya laban sa pambu-bully sa mga paaralan, kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Naipasa na sa committee level ng House of Representatives ang anti-bullying bill samantalang nakabinbin pa rin ang Senate Bill 413 na isinusulong ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Sa ilalim ng consolidated bill na House Bill 5248, tinutukoy nito ang bullying na serye ng mga aksyon ng isang menor de edad laban sa kapwa niya menor sa loob ng paaralan.

Inisa-isa rin ng panukala ang mga aksyon na maituturing na pambu-bully, at ang mga ito ay ang sumusunod:
Pananakot;
Stalking;
Pagnanakaw;
Pamamahiya,malisyosong alegasyon, pambibintang na nakakapanira sa integridad;
Paninira ng pag-aari ng isa pang estudyante;
Pananakit sa kapwa mag-aaral na nagreresulta sa pagkasugat may gamit man o walang sandata  kagaya ng pambubugbog, paghampas, pagsuntok, pagsipa, pagbato, pagsapak, panunulak at iba pang kaha-lintupad na bagay;
At pamimilit ng sexual favor, pangingikil, o pagkuha sa mga bagay na pag-aari ng isang estudyante.

Sa ilalim ng panukalang batas, inaatasan ang lahat ng paaralan, pampubliko man o pribado na magpatupad ng polisiya para matigil ang bullying sa mga eskwelahan kagaya ng mga sumusunod:
Magkaroon ng proseso para masolusyunan ang bullying sa mga paaralan;
Pinapayagan ang mga bata na magsumbong sa mga guro o mga opisyal ng paaralan hinggil sa insidente ng bullying na hindi binabanggit ang kanyang pagkakakilanlan;
Pinapayagan ang mga magulang o guardian ng isang estudante na maghain ng sumbong hinggil sa bullying
Inaatasan ang mga guro o iba pang empleyado ng paaralan na nakakita ng insidente ng bullying na ipaalam kaagad ito sa opisyal ng paaralan;
Inaatasan ang opisyal ng paaralan na imbestigahan ang sumbong hinggil sa bullying.
Gumawa ng kaukulang aksyon para masolusyunan ang naturang bullying na insidente;
Isama ang isyu ng bullying sa alintuntunin para sa mga estudyante;
Ipaalam sa mga magulang ng kapwa biktima at ng gumawa ng bullying ang nangyaring insidente;
Inaatasan ang mga opisyal ng paaralan na gumawa ng listahan ng mga insidente ng bullying at maging bukas ito sa publiko.

Sa ilalim ng panukalang batas mahaharap sa kasong administratibo ang mga opisyal ng paaralan na hindi magpapatupad ng programa laban sa bullying. (Bukas:  Anong kaparusahan ang naghihintay sa mga bully sa paaralan?)

Ed:  May reaksyon ka ba sa artikulo?  I-post lang ang inyong komento sa Facebook account ng Bandera sa Banderainquireronline; https://twitter.com/banderainquirer

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending