I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |December 04,2013
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - December 04, 2013 - 03:00 AM

Mula kay Marilou Piang ng Iloilo City. October 9, 1954 ang birthday ko. Kailan po ba ako magkakapera?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong October 9, 1954, sa taon ding ito ng 2013, bago sumapit ang Pasko, dambuhalang halaga ng salapi ang bigla mong matatanggap.

Mula kay Anne ng Buhangin, Davao City. January 19, 1986 ang birthday ko. Compatible po ba ang Cancer at Capricorn o ang Capricorn at ang Taurus?
Tugon ni Madam Sophia: Parehong ka-compatible ng zodiac sign na Capricorn ang Cancer at Taurus, ganon paman kung sino sa kanilang dalawa ang may birth date na 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 4, 13, 22, 31, 5, 14 at 23 – siya ang piliin mo, dahil sa piling ng nasabing kasuyo, makakasumpong ka ng isang maunlad at maligayang pagpapamilya.

Mula kay Pamela ng Guagua, Pampanga. February 26, 1988 ang birthday ko. May kinakasama ako ngayon. Kailan kaya kami magkaka-anak?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong February 26, 1988 sa susunod na taong 2014 hanggang 2015 sa edad mong 25 pataas magkaka-anak na kayo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending