Bigas ng PH isusuplay ba ng Thailand o Vietnam?
HABANG bumabaha pa rin ng inisyatiba ng pagtulong sa mga nabiktima ng nagdaang bagyong “Yolanda”, dapat isaisip ng ating mga kababayan na nasalanta na darating ang isang araw ay mawawala na ang mga relief goods. Isang araw, mawawala na rin ang atensiyon na ibinibigay ngayon ng media.
Isang araw, may panibago na namang trahedya sa ibang panig ng daigdig at doon papaling ang pananaw at malasakit ng sangkatauhan.
Isang araw, ang mga nabiktima na nakaligtas at nananatili ay maiiwan — makikita nila na sila na lamang ang naroroon, wala na ang national government, wala na ang local government, wala na ang mata ng buong mundo.
Ang kailangan nilang tunay para mapaghandaan ang ganitong yugto ay ang pagbangon ng kanilang dangal at dignidad bilang tao.
Bago si Yolanda, kahit sila’y mahirap, kahit marami sa kanila ay kabilang sa mga hikahos at hirap sa mga kanayunan, sila’y nagsisikap sa kanilang sarili, sila ang tumutulong at nagpapagal para sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Hindi imposibleng magagawa nilang muli ang mga bagay na iyon — ang pagtayong muli sa kanilang mga sariling paa, at kung dumating man ang panibagong “Yolanda” alam na nilang sila’y makaaalpas na muli.
Dahil isang malaking concern ngayon ay ang food security matapos ang bagyo na sumalanta sa Visayas, dalawang gobyerno naman ngayon ang nag-uunahan para makorner ang kontrata para sa pag-suplay ng 500,000 metriko toneladang bigas para sa Pilipinas.
Thailand at Vietnam ang tinutukoy ko.
Nagparating ng tulong ang Thailand para sa mga biktima ni “Yolanda”. Nagbigay ito ng 5,000 metriko toneladang relief goods sa mga biktima. At dahil gusto pa nitong madagdagan ang tulong sa Pinas, nag-alok ito ng mas murang bigas para lang ma-sustain ng bansa ang food security nito.
Sa ginawang bidding nitong Nob. 26, nag-alok naman ang Vietnam ng US$ 465.25 PMT (per metric tons) para sa white rice 25% broken. Lowest bid daw iyon.
Nagsumite naman ang Thai government ng re-offer a counter-offer.
A source sent me a copy of the said letter and I am lifting the end portion of it to wit, “In this regard, after the disclosure of the bidding results for 500,000 Mts (Metric Tons) of white rice 25% broken on November 26th 2013, the offered price of the Thai side is slightly higher than the Vietnamese price offer. With a view to realize, G to G rice trade between the two countries, under MOA and to support food security in the Philippines after the adverse effects from the Typhoon, we would like to re-offer our price for white rice 25% at CIF, DDU, US$462 PMT for your consideration.” Ang unang offer ng Thailand ay US$475 PMT. Ibinaba nila ang kanilang offer matapos malaman ang offer ng Vietnam.
Ang usapin ngayon ay kung kanino nga ba i-aaward ang kontrata.
While the matter deserves urgent action and dispensation on the part of Philippine authorities, be it with Thailand or Vietnam, the primordial concern must be the transparency and effective use of the people’s money.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.