PhilHealth sagot ang panganganak ng anak
DEAR Madam:
Ako po si Ruby Ann, 45 years old, nakatira sa Tondo, Manila. Isa akong factory worker sa Binondo. Gusto ko lang itanong sa Philhealth kung covered pa rin nila ang pa-nganganak ng anak ko? Hindi pa kasal ang anak ko at 16 years old pa lamang s’ya kaya kasama pa s’ya sa banepisyaryo ko. Maaari ko pa rin bang gamitin ang PhilHealth ko para sa anak ko? Sana ay matulungan ninyo ako. Maraming salamat.
Gumagalang,
Ruby Ann
REPLY: Gng. Ruby Ann:
Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Nais po naming ipabatid na ang mga anak na may edad na mas mababa sa 21 taong gulang, walang asawa at walang trabaho ay maaring makagamit ng PhilHealth sa ilalim ng membership ng kanyang magulang na aktibong miyembro ng PhilHealth.
Samakatuwid, ang pa-nganganak ng inyong anak ay maaaring i-cover ng PhilHealth kung kayo po ay aktibong miyembro ng ating programa.
Samantala, para po sa kapakanan ng magiging anak ng inyong anak, maaari po ninyong iparehistro ang inyong anak (na may edad na mas mababa sa 21 taong gulang) sa ating programa upang masakop sa benepisyo ang kanyang panganganak gayundin ang newborn care package para sa inyong apo (dahil ayon po sa ating alituntunin hindi maaaring masakop ng benepisyo ang newborn care package kung ang inyong membership ang ating gagamitin).
Kung nanaisin po ninyo na ipa-rehistro ang inyong anak sa ating programa, narito po ang mga pamamaraan:
1. Para ma-rehistro sa ilalim ng Informal Sector – magsadya po sa kahit saang tanggapan ng PhilHealth upang ma-proseso ang kanyang membership. Kinakailangan lamang po niya na magsumite ng maayos na pinunan na PhilHealth Member Registration Form (PMRF) https://www.philhealth.gov.ph/downloads/membership/pmrf_revised.pdf at magbayad ng karampatang premium contributions upang ma-ging aktibong miyembro
2. Para ma-rehistro sa ilalim ng Indigent o Sponsored Program – lumapit sa inyong Barangay o sa tanggapan ng DSWD upang ma-assess ang inyong anak at maipasama sa Sponsored Program.
Para po sa iba pang katanungan, maari po ka-yong tumawag sa aming call center, 441-7442 o mag-email sa [email protected]
Maraming salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.