Baka magka-epidemya sa Tacloban | Bandera

Baka magka-epidemya sa Tacloban

Ramon Tulfo - November 30, 2013 - 03:00 AM

KAPAG hindi makolekta agad ang mga basura at bangkay na nakalubog sa mga kanal at ilog o nakabaon sa mga basura, baka magkaroon ng epidemya sa Tacloban City at ibang lugar na sinalanta ng supertyphoon “Yolanda.”

Nagkalat ang basura sa kalye at ang masangsang na amoy ng bangkay ay dala ng hangin noong Nob. 25-27, mahigit na dalawang linggo matapos ang “Yolanda.”

Noong mga petsang nabanggit, ang 49-member medical mission na pinamunuan ng inyong lingkod ay nagbigay ng libreng konsultasyon, mga libreng gamot at nagluto ng pagkain para sa ilang biktima ni “Yolanda”.

Ang amoy ng basura at mga bangkay na dala ng hangin ay nasa paligid pa rin dalawang linggo matapos umalis ang aking first medical mission sa Tacloban noong Nob. 13. Tatlong araw rin kaming nagsagawa ng misyon noon.

Ang masangsang na amoy ng mga bangkay ay nasa paligid pa rin nang dumating ang aking second medical mission, kaya lang mas masangsang na ngayon kesa dati.

Alam kong binabasa ang isang diaryo na gaya ng Bandera sa hapag kainan sa umaga kaya’t hanggang doon na lang ang aking sasabihin tungkol sa aking naamoy at nakita.

Ang aking second medical mission ay kinabibilangan ng 20 doktor ng Chinese General Hospital at 17 doktor ng St. Luke’s Medical Center.

Ang mga non-medical members ng grupo ay ang inyong lingkod, mga staff ko sa “Isumbong mo kay Tulfo,” at tatlong Amerikano na nagdokumentaryo ng ginawa ng mga doktor para sa US audiences.

Balak ng aking kaibigang si Richard Skaggs, dating movie producer ng Hollywood, na ipakita ang documentary film upang maantig ang damdamin ng mga Amerikano na tumulong sa mga biktima ng “Yolanda”.

Inuulit ko, kapag di nilinis kaagad ang kalat na basura at bangkay sa Tacloban City at karatig lugar, baka magkaroon ng epidemya gaya ng cholera.

Ang maraming taong nakaligtas kay “Yolanda” ay maaaring mamatay sa epidemya.

Marami ring mamamatay sa mga nabanggit na lugar kapag walang ginawa ang gobyerno ng mass immunization laban sa tetanus at leptospirosis.

Ang tetanus at leptospirosis ay parehong nakakamatay.

Ang tetanus ay sanhi ng sugat na gawa ng pagkakatinik mula sa pako, splintered wood at galvanized iron sheet na may kalawang.

Nagkalat ang mga pako, wood splinters at yerong nasira sa mga natumbang mga gusali sa Eastern Visayas.

Ang leptospirosis naman ay sanhi ng pag-apak sa ihi ng daga, lalo na’t ang iyong paa ay may
sugat.

Maraming daga nga-yon ang nanginginain sa mga basurang nakakalat sa daan sa Tacloban City, sa bayan ng Palo, Tanauan, Dulag at iba pang lugar sa Eastern Visayas.

Ang aking 49-member medical mission ay nagdala ng mahigit na 2,000 vials ng anti-tetanus at anti-leptospirosis capsules.

Maraming tao na pumunta sa aming clinic na ayaw sanang magpa-injection ng anti-tetanus dahil sa takot, pero nang maipaliwanag sa kanila ng aming mga doktor ang mabuting magiging ligtas sila sa nakakamatay na sakit kapag sila’y nagpaturok.

Wala kaming problema sa pagbigay ng anti-leptospirosis capsules, pero kinailangan pang sabihin sa kanila ang tungkol sa nakakatakot na sakit.

Ang ginawa ng aming mga doktor ay dapat ginagawa ng mga doktor ng Department of Health.

Nang magtayo kami ng temporary clinic sa Air Force camp sa loob ng Tacloban City airport, maraming sundalo at pulis ang nakinabang sa aming anti-tetanus injections.

Alam nilang protektado sila sa tetanus ng mahigit isang taon dahil sa injection.

May mga empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pumunta sa aming clinic upang magpaturok ng anti-tetanus at mabigyan ng anti-leptospirosis capsules.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napatunayan ko sa aking sarili na pabaya ang gobiyerno sa mga kawani na pinadadala nito sa mga calamity areas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending