Pagtatrabaho nina Ryzza Mae at Bimby protektado ng DOLE
KYUT at nakakatuwa ang trailer ng “My Little Bossings” nina Vic Sotto, Kris Aquino, Ryzza Mae Dizon and introducing Bimby Aquino Yap. In fairness, mas gumuwapo pa si Bimby sa screen, huh!
Bago nagsimula ang presscon ng pelikula ay nauna na naming nainterbyu si Bossing. Inamin ni Vic na na-miss niya ang pakikipagtrabaho sa mga bata sa pelikula.
“Alam ninyo naman I worked with Aiza (Seguerra) for quite a number of years sa TV, sa pelikula. Matagal at marami rin ang mga ginawa naming proyekto kaya kahit paano hindi naman ako masyadong nanibago kung paano makipagtrabaho sa kanila, kung paano maki-create ‘yung atmosphere na working at the same time playing.
Kasi mga bata ‘yan, e. “Sa kanila it’s the kalaro more than the trabaho. Kasi kung puro trabaho kawawa naman ang bata. Mabe-burnout ‘yan and from my experience with Aiza when she was still a kid, parang nagagamit ko ulit dito with Ryzza and Bimby,” pahayag ni Vic habang nakaupo sa presidential table katabi ang isa pa sa co-stars nila sa “My Little Bossings” na si Aiza Seguerra.
As expected, super nag-enjoy daw si Vic sa shooting nila ng “My Little Bossings” na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival on Dec. 25.
“Kaya noong pinaplano namin ang project na ‘to I was very excited kasi eto na naman ang mga bata, how to deal with them kapag alam mo na, may sumpong, kapag inantok and, ang difference lang today merong specific working hours.
Kasi noong panahon ni Aiza wala pang DOLE tsurba, e. Ngayon mahigpit na. Tama naman ‘yun para sa kabutihan din ng mga bata sa showbiz,” lahad ni Vic.
First movie ni Bimby ang “My Little Bossings” kaya naman aligaga ang kanyang stage mother na si Kris. Mismong si Kris ay aminado na super stage mom siya sa anak sa set ng movie nila.
“It’s very evident sa, mula sa suot hanggang sa kakainin and it just shows how much she loves her children. How good a mother she is. Nakikita ko naman, e, sa pagpapalaki niya kay Josh, ke Bimby. Mababait na bata, masunurin, mapagmahal na mga bata.”
Hindi naman daw siya nairita sa pagiging stage mother ni Kris, “Hindi naman,” ngiti ni Vic. “It’s nice watching her. Kasi makikita mo kung gaano niya kamahal ang mga anak niya, kung paano niya pinapalaki, kaya nga she sets a very good example to mothers.”
Nakikita rin daw ni Vic ang kuya ni Bimby na si Joshua. Parati raw bumibisita sa set at pinapanood ang kanyang baby brother. Very high naman ang ibinigay na rate ni Vic for Bimby bilang baguhang artista.
“Considering this is his first movie, sanay siya sa mga commercial na paisa-isang shot, paisa-isang dialogue. But for him to carry the character from action hanggang sa pag-cut ng director, e, I’m proud to say na I can give him a very, very high passing grade.
At kapag napanood ninyo ang pelikula magaling. “Nu’ng first few shooting days parang hindi pa niya naiintindihan kung ano ‘yung nangyayari sa paligid niya, but after a while he got comfortable with Ryzza, with me, with the crew, with the director, with everyone.
Bigla siya nag-fit in at doon na unti-unting lumabas ang talent niya na I’m sure namana niya sa nanay,” sey pa ni Vic kay Bimby.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.