Gretchen ayaw makipagbati kay Claudine, walang Pasko-Pasko | Bandera

Gretchen ayaw makipagbati kay Claudine, walang Pasko-Pasko

Cristy Fermin |November 30,2013
facebook
share this

Gretchen ayaw makipagbati kay Claudine, walang Pasko-Pasko

Cristy Fermin - November 30, 2013 - 03:00 AM


Kahit daw pusong bato ay lumalambot kapag malapit na ang Pasko. May kakaibang kapangyarihan daw ang panahong ito para ang mga mapagmataas ay nagpapakumbaba, ang mga pusong matigas ay lumalambot, dahil ayon nga sa kasabihan ay pagmamahalan ang tunay na kahulugan ng Kapaskuhan.

Dahil sa ipinakikiang pagpapakumbaba ngayon ni Claudine Barretto ay maraming nagsasabi na baka bago mag-Pasko ay magkasundo-sundo na silang magkakapatid, lalo na si Gretchen na talaga namang walang habas sa pagpapalitan nang maaanghang na salita.

Harinawang ganu’n nga ang mangyayari, wala namang imposible sa mundo, baka nga ito na ang takdang panahon para magkaintindihan na ang magkapatid na matagal nang may hidwaan.

Pero mukhang para kay Gretchen ay hindi pasable ang ipinakikitang paglambot ng puso ng bunso niyang kapatid, para kay Gretchen ay hindi kailangang magamit ang Kapaskuhan para umiral ang pagkakasundo, walang dating sa aktres ang nababalitaan niyang pagpapakumbaba na ngayon ni Claudine.

Kapag ganu’n na hindi pa handa ang isa sa kanila ay malayong mangyari ang pagkakaintindihan, kung sumasalubong na ang isa at umuurong naman ang isa, walang saysay ang Pasko.

Dati nang nag-away at nagkabati sina Gretchen at Claudine, paulit-ulit na lang ang ganitong senaryo sa pagitan nila, pero sa pagdaraan ng panahon ay mas lumalala pa ang kanilang alitan.

Nakakalungkot para sa kanilang mga magulang ang ganito. Mga anak nila, hindi nila maiayos ang problema, nakakalungkot talaga.

Kasi nga ay may pinapanigan si Mommy Inday Barretto, kasi nga ay meron itong tinititigan at tinitingnan lang. Nakakalungkot talaga.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending