Kathryn mas pinili si Daniel at ang Got To Believe kesa sa college diploma | Bandera

Kathryn mas pinili si Daniel at ang Got To Believe kesa sa college diploma

Ervin Santiago - November 30, 2013 - 03:00 AM

Wala nang nagawa si Kathryn Bernardo kundi tumigil uli sa pag-aaral. Ito’y dahil nagsunud-sunod na naman ang proyekto niya ngayong last quarter ng taon.

Bukod sa halos araw-araw na taping ng serye nila ni Daniel Padilla na Got To Believe sa ABS-CBN, tinatapos na rin nila ang kanilang entry sa Metro Manila Film Festival 2013, ang horror movie na “Pagpag”.

Hindi na nakapag-enroll ngayong second semester si Kathryn na isang Marketing major freshman sa Enderun Colleges, “Hindi ako nag-enroll this sem.

Matagal ko ‘yung inisip actually kung mag-e-enroll ako kaya lang may ‘Pagpag’ kasi and Got to Believe tapos aasikasuhin ko ‘yung sa debut ko so inisip ko hindi ko talaga kaya.”

Siyempre, nalungkot ang dalaga dahil dito, pero aniya.“Promise ko sa sarili ko na babalik ako!” Inamin ni Kathryn na talagang patayan ang pagsabayin ang studies at pag-aartista, “Actually mahirap siya i-balance.

Doon ko na-realize na mas lalo akong sumaludo sa mga artistang napapagsabay kasi ang hirap pala. Hindi siya joke!”
“Isang malaking sacrifice…siguro kasi imbes na mag-rest ka gagawin mo ‘yung homework mo or mag-aral ka sa set.

Tapos sa rest day mo medyo konti lang ang tulog mo talaga, so more on sacrifice talaga para magawa mo ‘yung mga bagay ng sabay. Nairaos ko naman ‘yung isang sem and hopefully makabalik ako ulit,” positibong chika pa ng dalaga.

Bukod dito, nahihilig din si Kathryn sa pagkuha ng mga litrato, “Kung may free time ako siguro gusto ko mag-aral ng photography.

Marami pa akong gustong i-explore. Gusto kong mag-aral ng wine tasting, ng baking, marami actually. ‘Pag may time.”

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending