HOROSCOPE, NOVEMBER 30, 2013 | Bandera

HOROSCOPE, NOVEMBER 30, 2013

Madam Sophia |November 30,2013
facebook
share this

HOROSCOPE, NOVEMBER 30, 2013

Madam Sophia - November 30, 2013 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Unti-unting matutupad ang mga pangarap, ngunit maraming kumplikadong bagay ang magaganap. Hindi dapat ubusin ang araw sa labis na pagsasaya, maglaan ng oras sa meditation.  Mapalad ang 1, 10, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Red at violet ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) –   Parating na ang suwerte, hindi mo ba nararamdaman? Ngumiti lagi at maging masaya, upang lalo pang masagap ang magandang kapalaran.  Sa pag-ibig tuloy ang pakikipag-relasyon sa isang Leo. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Mapalad ang 3, 15, 19, 24, 34, at 41. Pink at yellow ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Sa pag-ibig, isang Virgo ang may lihim sa iyong pagnanasa, ka-compatible mo siya – sunggaban mo agad upang ikaw ay lumigaya. Mapalad ang 5, 17, 23, 35, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Tetra-Om.” Maroon at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Mahirap talagang mawalay sa pamilya, subalit kailangang tiisin upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, kung paanong lagi mo siyang naalala, ganon din naman siya sayo. Sa muli nyong pagkikita may napakasarap na romansa! Mapalad ang 3, 6, 17, 24, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” Gray at gold ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)  – Upang gumanda ang pasok ng 2014, sa paskong darating hindi lamang ang mga malalapit sayo ang dapat mong regaluhan  kundi sila ding mga kapos-palad. Kapag nagawa mo yan, susuwertehin ka. Mapalad ang 7, 8, 28, 39, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Ketu-Om.” Gray at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Ang elementong apoy at init ang nagbibigay ng magandang kapalaran.  Sa pag-ibig romansahin ang kasuyo hanggang sa mag-init muli ang inyong relasyon.  Sa pinansyal, sa kalakal na may kaugnayan sa apoy at init, malaking halaga ang kikitain. Mapalad ang 3, 9, 23, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Gold at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)  – Wag magpabago-bago ng isip, ang mas mahalaga, makaipon ng maraming pera, upang magamit sa naiisip na negosyo. Sa pag-ibig, tuloy parin ang relasyon matagal mo nang balak na takasan. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Blue at mint green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) –  Tama ang naisip mong mag-iba ng istilo ng pamumuhay. Baguhin narin ang style ng buhok. At magluto ng pinaka-espesyal na putahe ng ulam. Sa malawakang pagbabago, higit kang liligaya at uunlad. Mapalad ang 4, 13, 19, 28, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Yoga.” Green at orange ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Wag umasa sa iba. Sa sariling pagsisikap matutupad mo na rin sa wakas ang matagal mo nang pinapangarap. Sa pag-ibig, sa isang paglalakbay may bagong relasyong mabubuo. Sa pinansiyal, ikaw na naman ang taya. Mapalad ang 1, 2, 19, 23, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Maroon at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Hindi pupuwedeng isip lang ng isip, ang mas mahalaga maipatupad ang iyong iniisip. Sa pinansiyal, pagkilos ang mitsa na magsisindi ng pagyaman. Sa pag-ibig, tuparin ang mga ipinangako sa kasuyo. Mapalad ang 1, 14, 22, 38, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Mayabeeja”. Blue at gray ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Kakaiba ang iyong enerhiya sa araw na ito! Imbis na sa walang kapararakang bagay gamitin, gamitin ang iyong lakas sa pagkakaperahan, upang umunlad at yumaman. Sa pag-ibig may sopresang relasyon mabubuo hatid ng isang Taurus. Mapalad ang 1, 8, 28, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sha-Ri-Gama-Om.” Red at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) –   Wag nang asahang babalik pa ang nakaraan. Ituon ang isipan sa hinaharap. Makuntento  sa kasalukuyang minamahal. Sa pinansiyal, mag-invest sa mga produktong may kaugnayan sa butil, tulad ng palay at bigas. Mapalad ang 4, 17, 18, 28, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Orange at gray ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Aksyon ang dapat upang lumigaya. Sa pinansiyal, kung hindi ka kikilos ng kikilos, paano ka yayaman! Kumilos ng mga bagay na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, sipagan ang pakikipagniig sa kasuyong Gemini. Mapalad 3, 9, 18, 27, 42 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Migeta-Om-Dosha.” Red at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending