I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |November 28,2013
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - November 28, 2013 - 08:21 PM

Mula kay Analyn Panlaan ng Talisay, Cebu City. May 23, 1989 ang birthday ko. Kailan ko matatagpuan ang future husband ko?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong May 23, 1989, matatagpuan mo ang future husband mo na isang foreigner o kaya naman’y mayaman o may sinasabi kaysa sa pamilya nyo ang katatyuan nila sa buhay sa susunod na taong 2014 hanggang 2015 sa edad mong 25 pataas.

Mula kay Letecia ng …8579, Negros Oriental. December 28, 1966 ang birthday ko. Anong negosyo ang bagay sa akin?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong December 28, 1966 ang lahat ng negosyo na may kaugnayan sa pagkain at agricultural products ang magiging mapalad at suwerte mong negosyo. Bukod sa pagnenegosyo, isa alang-alang din ang pangingibang bansa, dahil sa pag-aabroad may posibilidad na mas lalo kang yumaman at umasenso.

Mula kay Mitch ng …5302, Cavite. December 24, 1979 ang birthday ko. Madam bigyan nyo ako ng numero na puwede kong tayaan sa lotto at ez2?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong December 24, 1979, ang mapalad mong numero ay lahat ng numero na may sumatotal na 3, 6, at 9, tulad ng 12, 21, 30, 15, 24, 33, 42, 18, 27, 36, 45, at iba pang kauri nito. Puwede mo ring subukan ang 3, 9, 17, 28, 34 at 44, gayon din ang 4, 16, 26, 34, 38 at 41.
 Upang masigurado ang malaking panalo maghanap ka ng lotto outlet na ang teller o kahera ay may mahabang buhok at may sexy pangangatawan. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng jackpot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending