HOROSCOPE, November 27, 2013 | Bandera

HOROSCOPE, November 27, 2013

Madam Sophia - November 27, 2013 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Unahing kumbinsehin ang mga taong nakapaligid sa iyo, kikita ka ng malaking halaga sa kanila. Sa pag-ibig, laging purihin ang magagandang katangian ng kasuyo upang ma-appreciate niya ang kanyang value. Mapalad ang 5, 8, 14, 19, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Quando-Et-Cui-Om-Aum.” Green at pink ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Magkakaroon ka ng kakaibang kaugnayan sa bagong kakilala. Mag-ingat sa isang imoral na relasyon. Sa pinansyal, ibuhos ang buong pagtitiwala sa sariling kakayahan upang ikaw ay yumaman. Mapalad ang 8, 14, 19, 28, 33, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jaya-Ritum-Aum.”  Violet at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Huwag maging isip-bata. Sikapin maging mature sa aspetong pang-emosyon upang lumigaya. Sa pananalapi, ang ibig sabihin ng “financial maturity” ay simple lang, unahin ang pagse-savings bago gumastos. Mapalad ang 1, 6, 19, 28, 30, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Maroon at pink  ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Huwag mong gawing kumplikado ang buhay. Sa pag-ibig, manatili sa iisa at dati ng minahal. Sa pinansyal, sundin ang advice ng isang kaibigang Taurus. Mapalad ang 3, 18, 21, 30, 38, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Red at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—  Tanggalin sa isipan ang pagdududa. Ang negatibong isipan ay walang idudulot na maganda. Kung hindi naging okey ang pasok ng pera ngayong Nobyembre, umasa kang sa buwan ng Disyembre ay may darating na mas malaking halaga. Mapalad ang 7, 13, 22, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Una-Salus-Una-Aum.” Lilac at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Huwag masyadong dominante. Ang tigas ng loob ay walang idudulot na maganda. Maging mabait upang tuloy-tuloy na suwertehin sa salapi at pag-ibig. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Green at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Huwag hayaan manaig kakulangan ng oras. Gumawa ng paraan upang mapaligaya ang sarili at ang kasuyong Taurus. Sa pinansyal, tuloy ang pasok ng maraming pera basta’t lagi mo lang paiiralin ang lakas ng loob. Mapalad ang 2, 7, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiri-Om.” Green at beige ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Disiplinahin ang sarili! Sa pinansyal kung marami kang bisyo, paano ka uunlad? Sa pag-ibig, sumunod sa mungkahi ng kasuyo upang lalo pang lumawig ang  pagmamahalan. Mapalad ang 3, 12, 27, 26, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod- He-Vau-Weh.” Orange at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Huwag madaliin ang lahat, hayaan mo lang maganap ng kusa ang mga bagay-bagay. Sa pinansyal at pag-ibig, huwag mawalan ng pag-asa, gumagawa talaga ng sariling paraan ang tadhana upang kusa kang umunlad at lumigaya. Mapalad ang 4, 16, 28, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra:  “Just go with the flow.” Yellow at black ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pag-ibig, gumawa ng bagong gimmick na ikasasaya ng iyong kasuyo upang huwag manatiling boring ang relasyon. Sa pinansyal, isang inobasyon ang kailangan upang mapalaki ang kinikita.  Mapalad ang 4, 18, 27, 35, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Certum-Est-Om.” Beige at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Sa pag-ibig, may suwerteng hatid ang isang Virgo.  Huwag mo na siyang pakawalan pa. Sa pinansiyal, iwasang ubusin ang salapi sa pagkain sa halip mag ipon ng mag-ipon hanggang sa dumami ng dumami ang savings.  Mapalad ang 5, 17, 24, 44, 46 at 48. Mahiga mong mantra: “Klan-Kun-Shadi-Om.”  Purple at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Hindi ka magiging maligaya kung hindi paiiralin ang praktikalidad. Sa pamamagitan ng rason at isip ka uunlad. Magkakapera ng malaking halaga kung pananatiliin ang pagiging materyoso.  Mapalad ang 7, 13, 23, 37, 43 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Om.” Silver at black ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Kahit na maraming problema, isa lang ang solusyon: “Magtiwala sa iyong kasuyo!” Sa ngalan ng pag-ibig, kusang uunlad ang kabuhayan, kasabay ng paglago ng isang romantiko at pang habang buhay ng pagmamahalan. Mapalad ang 6, 12, 18, 27, 33, at 46. Mahiwaga mong mantra:  “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Violet at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending