EXCLUSIVE: Cristy Fermin thankful kina Kiko, Sharon: The forgiving couple

“THE forgiving couple,” ito ang tawag ni Nanay Cristy Fermin kina Senator Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta dahil inurong na nila ang demandang cyberlibel nang magkaroon sila ng hearing kanina sa sala ni Honorable Antonio Ray Ortiguerra, Makati Regional Trial Court.
Ang saya-saya ni Nanay Cristy habang ka-video call namin dahil okay na sila nina Sharon at sen Kiko.
“Magkatapat ‘yung upuan namin kanina, pagdating na pagdating niya (Sharon) sabi kaagad sa akin, ‘Nay na-miss na kita.’Ba’t naman hindi mawawasak ang puso ko.
Baka Bet Mo: Sharon Cuneta, Cristy Fermin nagkabati na, inurong ang kasong cyberlibel
Nandoon ‘yung judge ha, natatawang nakatingin.
“Ganu’n din ang ginawa ni Sen. Kiko sa akin no’ng hearing namin (dati) tinapik ako, ‘Kumusta ka na ‘Nay?’ sobrang humble nila, sila ‘yung nagdemanda sila pa ‘yung nagpapakumbaba.
“Kaya sabi ko kay Ogie (Diaz), ‘ay naku sila talaga ang the forgiving couple.’
“Sabi pa niya (Sharon), ‘alam mo ‘nay kung hindi ka mahalaga sa akin nakita mo nu’ng nagsampa ako ng kaso iyak ako ng iyak kasi mahal kita. Kung wala kang value sa akin maiinis lang ako pero hindi, eh, mahal kasi kita.’ Saka sumbungan niya ako, eh,” paglalarawan ni ‘nay Cristy sap ag-uusap nila kanina sa korte.
Nabanggit pa ng CFM host na kahit sinampahan siya ng kaso nina sen Kiko at Sharon ay hindi tinatanggal ni ‘nay Cristy ang pagbati ng aktres sa radio program nila ni Romel Chika.
“Saka hindi ko siya (Sharon) siniraan, saka ‘yung kapayatan niya pinupuri ko ang ganda-ganda ng katawan,” tsika pa ni nanay sa amin.
Isa raw sa nagpalambot kay Sharon ay nang mapanood niya ang pahayag ni ‘nay Cristy sa “Showbiz Now Na” vlog 9 days ago at ito ang nilalaman ng vlog:
“Nakita ko si Sharon ang payat-payat naka-puti pa mandin siya na terno. Di ba iniiwasan ng mga artista puti na suot ang gusto nila black kasi naitatago ‘yung mga sobra-sobra nilang timbang pero si Sharon parang masusukat mo ‘yung beywang at ‘yung buhok ang ganda-ganda. Ito ay disiplina na kapag gusto ay may paraan, pag ayaw may dahilan,”paglalarawa ng new look ni Mega ngayon.
Sabi pa ni Cristy Fermin, “halata bang nami-miss ko? Hindil ang po nagtatagpo ang aming landas ni Sharon Cuneta dahil sa naganap pero ako naman kasi ay kilalang-kilala ako ng showbiz o ninyong lahat na kapag ako po ay nakakapanakit, kapag ang aking mga salita ay nakapanunugat mayroon po akong nakahandang gamot para pagalingin ‘yung sugat. Ang pagpapakumbaba po ay hindi ibig sabihin na duwag tayo. Pag tayo ay nagpakumbaba hindi po nababawasan ang ating pagkatao kundi tinatanggap natin ang katotohanan na hindi lahat ng ating sinasabi at ginagawa ay tama kasi sa ating pagsasalita ay may nasasaktan tayo at aminado ako na nasaktan si Sharon sa mga binitiwan ko dito sa Showbiz Now Na (at) ang dahilan kung bakit nga siya nagsampa ng kaso at umiiyak siya nang isampa niya ‘yun at sinabi nga niya, ‘ayaw ko pong gawin ito dahil mahal ko ‘yung tao.’ Alam mo isang araw magkikita rin kaming dalawa.”
At nakarating nga raw ito kay Sharon habang nasa Amerika siya nang dumalo siya sa graduation ng panganay nil ani sen Kiko na si Kakie Pangilinan sa The New School: A University in New York City ng kursong Literature at Anthropology.
“Sinabi raw niya (Sharon), Sweetheart pagbalik natin ayusin na natin ‘yung kay nanay (Cristy), ayaw ko na ng may ganun para everybody happy.
“Si senator Kiko ang naging tulay kinausap niya si Ogie, e, si Ogie alam mo naman yang anak ko magpapakamatay para sa akin.
“Sabi niya, ‘Sen isa lang naman ang hinihingi kong balato, sana maging okay na kayo ni ate Cris (Cristy) kasi wala naman ako kung wala siya.
“Tapos sabi ni Sharon, ‘nag-uusap kami (Kiko) biglang tumawag si Ogie, ay this is the sign.’ Kaya pagbalik nila inurong na nila,” masayang kuwento ni ‘nay Cristy.
Sa kasalukuyan ay dalawa na lang ang natirang kaso ni ‘nay Cristy, ‘yung kay Bea Alonzo na resolution na lang ang hinihintay at ‘yung kay Dominic Roque na sa Oktubre pa uupo sa witness stand ang SNN/CFM host.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
