Sharon Cuneta, Cristy Fermin nagkabati na, inurong ang cyberlibel

Sharon Cuneta, Cristy Fermin nagkabati na, inurong ang kasong cyberlibel 

Ervin Santiago - July 08, 2025 - 01:55 PM
Sharon Cuneta, Cristy Fermin nagkabati na, inurong ang kasong cyberlibel

NAGKAAYOS na si Megastar Sharon Cuneta at ang veteran showbiz columnist at TV host na si Cristy Fermin matapos magkademandahan noong nakaraang taon.

Balitang iniurong na ni Sharon at ng asawang si Sen. Kiko Pangilinan ang kasong cyberlibel na isinampa nila laban kay Nanay Cristy matapos makapag-usap at magkapatawaran.

Muling nagkita sina Sharon, Sen. Kiko at Nanay Cristy sa korte para tuldukan na ang kanilang naging hidwaan.

Ibinandera ng talent manager at host na si Ogie Diaz sa kanyang Facebook page ang pagbabati ng dalawang kampo ngayong araw, July 8.

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta sa pagkapanalo ni Kiko: Wa epek sobrang paninira ng trolls

Ipinost ni Mama Ogs ang litrato nina Nanay Cristy, Kiko at Ate Shawie kalakip ang good news, “Nakakatuwa. Okay na sila ngayon. Kung matatandaan natin, nagsampa ng cyberlibel case ang mag-asawang Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta.”

“Matapos humingi ng public apology si Ate Cristy Fermin sa kanyang youtube channel, heto’t nagkita na sila sa korte kanina (July 08, 2025) para iurong ang kaso,” ani Ogie.

Pagpapatuloy niya, “Sabi nga ni Ate Cristy, ‘Kung nakapanakit tayo ng kalooban, marunong naman tayong humingi ng tawad.’

“Hindi naman sa korte lang lagi ang lugar para ipaglaban ang karapatan at katotohanan. Pwede namang mag-usap nang puso-sa-puso. 

“Hanggang sa pairalin ang pagpapatawad. Lalo na kung meron namang nabuong relationship noong araw pa.

“Thank you, Sen. Kiko Pangilinan and Mareng Mega,” buong post ni Mama Ogs.

Matatandaang nagsampa ng kasong cyberlibel sina Mega at Kiko laban kay Nanay Cristy noong May 10, 2024 dahil sa umano’y mga wala balita at basehang opinyon laban sa kanilang pamilya.

Reaksyon ng award-winning TV host at entertainment columnist sa naturang demanda, “Kapag ikaw ay bangkero, mayroong pagkakataon na pwede kang malunod. Kapag ikaw ay pulis, pwede kang makabaril at ikaw ay maaksidenteng mabaril. 

“Kapag ikaw ay nasa ganyang mga linya katulad naming mga mamamahayag, naku, teritoryal po ang mga ganitong kaso. ‘Yung libel case, cybel libel.

“‘Yun lamang po ‘yun. Pero ano, ha, pataas nang pataas ang mga lebel, ha. Talagang tumataas ang lebel ng demandahan. From Sarah Lahbati to Bea Alonzo, Sharon Cuneta na ang kasunod. Sino po kaya ang susunod? Si Julia Roberts na?

“Basta, naiintindihan natin kung saan sila nagmumula, kung saan nila nanggagaling. Wala pa po akong masasabi. Wala pa kaming impormasyon na tinatanggap. Basta naiintindihan natin ito,” sabi pa ni Nanay Cristy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala , marami namang supporters ang radio at TV host ang natuwa sa pag-aayos nila ni Sharon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending