Sharon Cuneta sa pagkapanalo ni Kiko: Wa epek paninira ng trolls

Sharon Cuneta sa pagkapanalo ni Kiko: Wa epek sobrang paninira ng trolls

Ervin Santiago |
Eleksyon 2025 -
May 13, 2025 - 06:03 PM

Sharon Cuneta sa pagkapanalo ni Kiko: Wa epek sobrang paninira ng trolls

Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta

NANINIWALA si Megastar Sharon Cuneta na talagang marami pa ring nangyayaring himala sa tamang oras at pagkakataon.

Tulad na lang daw ng pagkapanalo at pagpasok sa Magic 12 ng asawang si Kiko Pangilinan sa mga kumakandidatong senador para sa 2025 midterm elections.

Sa kanyang social media account, nag-share ng mensahe ang TV at movie icon para sa lahat ng mga taong nagtiwala at bumoto sa kanyang mister.

“I believe that miracles still happen,” simulang pagbabahagi ni Sharon kalakip ang litrato nila ni Sen. Kiko.

“All we did before and apart from our hard work in the campaign was Pray, Trust, Pray, Praise and Glorify God no matter what!

“And last night over dinner with our son, we prayed with our angel girls at home and said that no matter the outcome, we would praise Him! And we thanked Him with all our hearts for just the opportunity for Kiko to ‘apply’ to be a servant of the people,” patuloy na pahayag ni Ate Shawie.

Kasunod nga nito ang pagpapasalamat niya sa madlang pipol, “Maraming, maraming salamat po sa inyong mga nagtiwala, naniniwala, sumusuporta, nangampanya, nagtyaga sa hirap, init at pagod, nagdasal, at bumoto  kay Kiko kahapon.”


Hirit pa niya, “Walang epek ang sobrang paninira ng trolls at mga nagpapabagsak sa kanya! Wala naman silang sinabi sa inyong mga nag-isip na botante at lalong lalo na sa Panginoon!

“Mabuhay ang ating mahal na Pilipinas! May God bless us all!! God bless and guide my Kiko to be his best senator-self yet!!! Mahal na mahal po namin kayo,” saad pa ng aktres at singer.

Binati rin niya ang pagkapanalo ni Bam Aquino sa senatorial race na siyang nakakuha ng ikalawang pwesto.

“God is good and faithful to those who love and serve Him an our people!!! God bless you!!! We love you, BAM,” pagtatapos ni Mega.

Sa panayam naman ni Karen Davila kay Kiko ngayong araw inamin niyang pareho silang na-shock ni Mega sa naging resulta ng botohan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pareho kaming nagulantang at nagdasal at nagpasalamat. Yes, we were really very surprised na naging ganito yung turnout. Kaya talagang sige lang sabi ko. So, we were thankful, we prayed, we were extremely happy,” sey ni Kiko Pangilinan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending