Totoo ba, Willie Revillame natalo ng P120-M sa casino?
PARA sa akin ay tapos na ang hidwaan namin ni Willie Revillame though masasabi ko ring hindi na kami ganoon ka-close. Kumbaga, we have both moved on with our respective lives mula nu’ng magkaroon kami ng alitan a few years back.
Siyempre, nightmarish ang nangyaring iyon sa amin especially on my part dahil isa lang naman akong maliit na isda na kinalampag ng isang higante sa istasyong pinaglilingkuran namin.
Kumbaga, he went on with his life as a variety show host and made more money while heto tayo – same as usual.
Nakikipaglaban sa mundo sa propesyon natin bilang manunulat and radio anchor ng DZMM.
Ang bottomline lang naman dito, happy tayo sa ating trabaho. We can’t complain so much dahil compared to many, okay na ako at merong trabaho, di ba?
Anyway, years passed – Willie became richer and richer – buying buildings, infrastructures, houses, planes, yachts and all. Bilyonaryo ang imahe niya sa publiko at walang humpay sa pamimigay ng “jacket”.
Where’s mine? Ha-hahaha! Ang mga matatandang viewers niya sa show would receive special tokens from him – making him a good samaritan sa mata ng mga lola nating televiewers.
That’s Willie at ang pamoso niyang linyang, “Bigyan ng jacket iyan!” Marami nang pagbabago sa buhay ni Willie sa kasalukuyan. Some say na choice niyang magpahinga muna for health reasons.
Some say naman na kaya natsugi ang noontime show niya sa TV5 because sobrang lugi na ang istasyon sa kaniya. Siya lang daw ang kumikita but the network has lost so much money.
Whichever is true here, the fact is, his show is gone.
Golf…paglalayag gamit ang kaniyang mga yate…travels, what else? Iyan daw ang naging bisyo ni Willie Boy ngayon. Ikaw ba naman ang magkamal ng napakaraming pera – ano naman ang puwede mong gawin?
“No! Parang nalululong yata ngayon si Willie sa casino, di mo ba alam?” someone whispered to me na talagang ikina-shock ko, ha! Wala kasi kaming nababalitaan tungkol dito.
“Sa buwan ng October, maniwala ka bang natalo siya ng P120 million sa casino? He’s been losing so much money kaya ang Will’s Events niya at isang mamahaling kotse ay naibenta na niya ng P200 million.
Friend ko ang nakabili,” anang aming source. Ha? That’s too much money to lose, my gosh! Totoo ba iyan? Baka naman paninira lang iyan kay Willie Boy.
Kasi, nandoon na tayo, halimbawa, nagdidibersiyon siya sa casino, pero baka hindi naman ganoon kalaki kung magpatalo siya.
“May araw na talo siya ng P5 million. May araw na talo siya ng P15 million.
Pinakamaliit na naipatalo niya yata sa isang araw ng October ay P3 million,” kuwento pa ng kausap natin. Just for the sake of argument, halimbawa ma’y totoo ito, natatakot ako for him.
Ayokong isiping one day ay bumalik siya sa dati niyang katayuan sa buhay. Huwag naman sana. Hope Willie wakes up ‘coz it’s not too late pa naman.
Hindi naman sa nagmamalinis, kami, we also play slot machines sa casino and we lose money too pero hindi naman ako natatalo ng milyun-milyon!
Kami nga, sumasakit na ang ulo pag natatalo ng P10,000, what more kung P120 million pa? We still pray na sana’y tsismis lang ito at may gusto lang gumawa ng issue about Willie.
But just the same, concerned lang kami sa kanya kaya gusto namin siyang palalahanan. Ano ba naman ‘yung i-share na lang sa atin ang kanyang pera, di ba? Ha-hahaha!
Mapakinabangan man lang kesa naman mapunta lang sa casino. Ha-hahaha! Joke lang! Pero pag tinotoo ni Willie Boy, choosy pa ba ang bakla?
Anyway, sa ngalan ng balanseng pamamahayag, bukas po ang pahina nating ito sa panig ni Willie Boy anytime he wishes to air his side.
Sana lang ay hindi totoo itong nakarating na balita sa amin. Parang mahirap imadyinin. Kakaloka, di ba?
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.