I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |November 25,2013
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - November 25, 2013 - 03:00 AM

Mula kay Cinday ng …3901, Zambonga City. November 11, 1996 ang birthday ko. Sino-sino ang ka-compatible ko?
Tugon ni Madam Sophia: Ka-compatible ng zodiac sign mong Scorpio ang isang Cancer, Pisces, Taurus, at kapwa mo Scorpio, higit lalo silang isinilang sa petsang 7, 16, 25, 9, 18, 27, 2, 11, 20, 29, 1, 10, 19, at 28.

Mula kay Anecita Galorio ng …3589. January 21, 1969 ang birthday ko. Kailan ba darating ang suwerte sa aming pamilya?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong January 21, 1969, darating ang suwerte sa inyong pamilya sa susunod na taong 2015 sa edad mong 46 pataas, hatid ng isa sa iyong mga anak na isinilang sa petsang 4, 13, 22, 31, 5, 14, at 23.

Mula kay Jonalyn ng …4719, Cebu. April 25, 1989 ang birthday ko. Ka-compatible ko ba ang boyfriend ko na isinilang nuong September 2, 1987 at kami na ba ang magkakatuluyan?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong April 25, 1989 at September 2, 1987 naman ang boyfriend mo, compatible at tugma kayo, dahil dito, tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2014, kayo na nga ang magkakatuluyan at magsasama sa pagbuo ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending