Alice, Edu binalikan ang nakaraan | Bandera

Alice, Edu binalikan ang nakaraan

Ervin Santiago - November 25, 2013 - 03:00 AM


MASAYA ang naging muling paghaharap nina Edu Manzano at Alice Dixson sa bagong late-night comedy-talk show na What’s Up, Doods? Sa T5 noong ng gabi.

Kuwento ng dalawa, matagal na ang huling interview na ginawa nila sa telebisyon, nu’ng panahon pang nagsisimula si Alice bilang commercial model ng isang shampoo brand at si Edu naman, unti-unti pa lamang sumisikat bilang isa sa magagaling na host ng bansa.

Siyempre, binalikan nina Edu at Alice ang panahong nagkasama rin sila sa pelikula, kung saan tuwing galit daw ang una, “Alicia” ang tawag niya sa aktres.

Nagbiro pa si Edu na ramdam niyang gusto siya ni Alice noon, dahil pag-amin nga ng dating beauty queen-actress-turned-licensed realtor-cum-urban economist na madalas niyang bisitahin ang talk show host noon sa set ng pelikula o TV show nito.

Obserbasyon ni Edu, kakaiba na ang confidence ni Alice ngayon, lalo pa nga at napaka-daring na nito sa mga character na ginagawa niya sa screen.

Gaya na lamang ng current series niyang For Love or Money, kung saan inalok niya ng P10 million si Derek Ramsay kapalit ng 10 araw na pakikisama sa kanya.

Nariyan din ang bagong pelikula ng aktres, ang “When The Love Is Gone” ng Viva Films na showing na sa Nov. 27, kung saan suffering wife siya ni Gabby Concepcion at nakikipag-agawan ng atensyon sa batambatang si Cristine Reyes.

 Sey ni Alice, mas may lakas na siya ng loob ngayon na magsuot ng two-piece swimsuit at makipaglaplapan sa leading man ‘di tulad nu’ng kabataan niya na mahiyain at napapagalitan siya ng director at producer dahil ayaw gawin ang mga eksenang ganu’n.

Bago nagtapos, nangako si Alice na babalik sa What’s Up, Doods? para i-announce kung handa na ba siyang mag-pose sa glossy men’s mag na FHM.

Ang iba pang guests ni Edu sa katatapos na episode ay ang tatlong Ms. Earth finalists na nagkuwento ng mga natutunan at naranasan nila bilang volunteers sa Kabisayaan na hinagupit ng bagyong Yolanda, at si Tuesday Vargas, na matapos ma-depress sa pagkawala ng walong buwan na sanggol, naka-recover din at masaya na ngayon sa piling ng kanyang asawa’t anak.

Marami pang inspiring stories ang dapat abangan sa mga susunod pang episode ng What’s Up, Doods? tuwing Sabado, 10 p.m. sa TV5.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending