HOROSCOPE November 24, 2013 | Bandera

HOROSCOPE November 24, 2013

Madam Sophia - November 24, 2013 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Linggo ngayon! Magsuot ng kulay na pula. Makikita mo, susuwertehin ka! Kapag nakasuot ng pula, kusang  mahihigop ang maraming pera. Sa pag-ibig, kapag nakasuot ka ng pula lalo kang guguwapo o kaya’y lalo kang gaganda.  Mapalad ang 9, 18, 25, 24, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Raga-Kashta-Raga-Om.”    
Aries – (Marso 21-April 19) –  Sa pagdedesisyon ng mas maaga, mas malaking salapi ang makukuha.  Sa pag-ibig, markahan na ang kalendaryo para sa binabalak na pagde-date habang papalamig na ng papalamig ang panahon. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.”  Violet at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) –    Sa maling desisyon mauubos ang pera! Bago magpautang sa isang kakilala,  isipin muna ng 10 beses. Sa pag-ibig, hanggat hindi napapanatag ang puso sa iisang karelasyon, walang permanenteng ligayahang makakamit. Mapalad ang 4, 10, 29, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebanam.” Pink at yellow ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) –  Isang kaibigan ang mangangailangan ng tulong! Naramdaman nya kasi na marami kang pera! Tama ang iniisip mo, pagtaguan siya, kaysa hindi ka na naman mabayaran! Sa pag-ibig, ngayon palang paglaanan na nang budget ang Holiday Season. Mapalad ang 3, 18, 27, 29, 31, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vah-Weh.” Green at yellow ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) –  Sa pagkakataong ito magtiwala sa kaibigang Capricorn, sa pamamagitan nya titiba ng malaking halaga. Sa pag-ibig, wag paghinalaaan ng hindi maganda ang kasuyo, upang hindi masayang ang masayang relasyon. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Padma-Aum-Purana.” Gray at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) –          Hindi dapat kainipan ang magandang kapalaran. Pagpasok ng Disyembre  kusa ng darating ang mga oportyunidad na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, inip ng naghihintay ang isang Scorpio.  Mapalad ang 7, 16, 21, 39, 41 at 48.  Mahiwaga mong mantra: “Om-Tetra-Aum-Malka.” Green at silver ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) –  Tulad ng dati hindi mo ba napapansin, madalas kang magka-pera pero madali namang maubos. Magtipid! Sa pag-ibig, may tampuhan upang muling magkabati. Paikot-ikot lang ang mga pangyayari kaya hindi dapat malungkot! Mapalad ang 5, 9, 27, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti-Om.” Lilac at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) –  Iwasang maging pusong mamon, mas mainam na ang maging pusong bato! Sa pag-ibig, wag basta-basta magtampo sa kasuyo. Sa pinansyal, kung hindi ka pinautang wag magdamdam, lumapit sa isang kaibigang Virgo. Mapalad ang 3, 21, 24, 30, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Om-Homine.” Lilac at white ang buenas
Scorpio – (October 24 – November 21) –   Sa pag-ibig, maging mahinahon upang mapanatili ang masarap na relasyon. Tandaang “love at lust” ang susi upang magtagumpay at lumigaya ang isang Scorpio. Mapalad ang 3, 18, 24, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Pink at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) –  Linggo ngayon! Magsimba muna, pagkatapos magugulat ka, isang nilalang na  may kayumangging kulay  ang magbibigay sayo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, ngitian ang kasuyo upang agad mapapawi ang kanyang problema. Mapalad ang 2, 16, 25, 28, 38 at 43.  Mahiwaga mong mantra:  “Visnu-Veda-Vidya-Om.” Green at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) –   Sa pag-ibig, wag masyadong malihim, ibunyag ang nilalaman ng puso bago maunahan ng iba. Ilihim sa kasuyo ang mga naiipon at nakolekta mong  pera upang ito ay lalo pang dumami. Malad ang 1, 20, 29, 33, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at red ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) –  Sa pag-ibig,  sa umpisa lang tama ang ginagawa, pero sa bandang huli, pagluha lang at kabiguan ang iyong napapala. Upang makamit ang inner peace at happiness, hindi ikaw ang dapat mag-pasya sa iyong buhay, kundi ang kasuyong Libra. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Green at gold ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) –  Hindi maganda ang maraming pangarap mabibigo ka lang. Mas mainam pang, wag ka ng mag-plano at wag na ring mag patupad upang hindi ka mabigo. Kung ano ang ginagawa mo sa ngayon, pagbutihin mo na lang! Mapalad ang 7, 16, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Amara-Ananda-Marga.” Lilac at purple ang buenas.

j$XTY”ib7^f,h/K

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending