Magic Voyz nag-level up; hataw kung hataw sa 1st anniversary concert

Magic Voyz
SUCCESSFUL ang first anniversary concert ng all-male group na Magic Voyz mula sa Viva Records at LDG Productions ng talent manager na si Lito de Guzman.
In fairness, umaapaw sa tao ang Viva Café last Sunday kung saan nga ginanap ang pasabog na unang anibersaryo sa entertainment industry ng Magic Voyz.
As in talagang hindi mahulugang-karayom ang venue ng bonggang-bonggang show ng Magic Voyz na hataw kung hataw sa lahat ng inihanda nilang production number.
Siyempre, abot-langit ang pasasalamat ng mga miyembro ng grupo na sina Jhon Mark Marcia, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, Johan Shane- (composer ng grupo), Asher Bobis, at ang pinakabago sa grupo na si Jorge Guda, sa matagumpay nilang anniversary concert.
Napakalaki na ng improvement na nakita namin sa grupo, bukod sa mas gumaling pa silang kumanta at sumayaw, lutang na lutang na rin ang karisma ng bawat member.
Nabibigyan na rin nila ng mas magandang interpretation ang mga original songs nilang “Wag Mo Akong Titigan” at “Bintana” na talaga namang nakaka-LSS.
“Sobrang saya, maraming struggle na nangyari. Hindi ma-explain. May mga nagkasakit, napaos sa kakakanta. Pero nakaya naman at naitawid namin,” ang nagkakaisang sabi ng Magic Voyz.
Sabi ni Johan, “Marami ring ginawang preparations sa first anniversary concert. Dito namin ibinuhos ‘yung full pack performance talaga namin.
“Kailangan din na upgraded ang Magic Voyz sa anniversary namin at nakatutuwa at nakaka-overwhelm na one year na ang Magic Voyz,” dagdag pa ng binata.
Sa concert maraming bagong ipinakita ang grupo kaya naman tilian ang kanilang mga fans.
“I’m so grateful and happy to be part of an excellent group, ang Magic Voyz. At looking forward ako sa mas maraming event at shows ng grupo,” ang pahayag ng bagong member ng grupo na si Jorge.
“Sobrang blessed and at the same time sobrang saya at sobrang worth it lahat ng sacrifices ng bawat isa. Bawat training, sobrang grateful na nakasama ako sa grupong ito,” dagdag ni Jorge.
“May mga new song na iri-release na hindi lang isa kundi marami na. Kasi hindi lang ako ang nagko-compose ng kanta. Nandiyan din sina Mhack, Asher, Mark na marurunong na ring mag-compose. Kaya apat na kaming magki-create ng magic para sa Magic Voyz,” sey pa ni Johan.
I“Nangangarap kami na makapag-perform sa mas malaking stage at tiyak na mas gagalingan pa namin. Isa iyon sa ipinagdarasal namin na mabigyan ng chance,” sabi pa ng grupo.
Sobrang proud naman ang manager ng Magic Voyz na si Lito de Guzman dahil muli isang napakagandang show ang ginawa ng kanyang mga alaga. Kaya naman anito, by June sa Music Museum na sila magtatanghal.
“Grabe ang siksikan sa tuwing magso-show ang Magic Voyz. Marami ang nagme-message pa na gusto nilang mapanood ang mga bata kaya naman paghahandaan naming mabuti dahil sa next show nila sa big venue na sila,” saad ni Lito.
Sey pa ng manager, iri-release na rin ng Magic Voyz ang bago nilang kanta, ang “Tampo” sa ilalim pa rin ng Viva Records. Naghahanda na rin sila sa susunod nilang concert na posibleng gawin sa Music Museum.
For booking & inquiries puwedeng kontakin sa page ng Magic Voyz o sa 09178403522, at sa Viva Artist Agency.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.