Chokoleit: Napagdaanan ko na rin po ang maraming trahedya, pati mawalan ng ina! | Bandera

Chokoleit: Napagdaanan ko na rin po ang maraming trahedya, pati mawalan ng ina!

Julie Bonifacio - November 21, 2013 - 03:00 AM


Mismong si Chokoleit ang nagprisinta kay Vice Ganda na makasama siya sa inorganisang benefit show ng TV host-comedian sa Laffline last Friday. Sa Twitter nabasa ni Chokoleit ang benefit show ni Vice.

“Tiningnan ko schedule ko baka may raket ako, at meron. Pero sabi ko, hindi, go ako. Tapos sobrang  na-excite naman siya kasi nandiyan si Pooh, si Pokwang. Para mapakita ko naman ang gift namin ‘yun din ang isi-share namin.

The gift that have been given, it’s a gift to share. It’s time to give back. Kumbaga, may purpose naman ang aming gift sa pagpe-perform,” sambit ni Chokoleit.

For the first time ay nagkasama-sama sila sa isang show nina Pokwang, Pooh, Chokoleit at Vice. “Maganda ang nangyari sa ganitong panahon na  mature na kaming lahat. Kaya wala ng anu-ano pa, ere or kung anuman.

Saka wala nang mauuna ako or what. So, maganda ang nangyari na alam namin lahat na trabaho lang ‘to.” Wish ni Chokie na mapasaya nila ang mga kababayan natin ng personal sa kanilang mga probinsya.

“Sinagest ko kay Vice. Sabi niya, kapag pinahintulutan ng Diyos. Kasi hindi mo naman, imposible pa gawin ‘yun. Late na kung gawin sa Pasko. Pwede naman Pasko sa Marso para sa kanila.

And what a way to do that, e, ‘yung comedy.  “Tsaka napagdaanan ko na rin ang trahedya, na-Ondoy din ako. Napagdaanan ko na ang pinakamasakit na mangyari sa buhay mo, mawalan ka ng ina.

So, nakalimutan ko na siya, ganoon, namatay siya sa ano, nabaha, ganoon.” Samantala, tulad ni John Lapus na kasama niya sa “Call Center Girl” hindi na rin daw umaasa si Chokoleit na magkaroon ng launching movie, “Hindi ako umaasa pero kapag binigay, bakit naman hindi? Pero asa, hindi,” diin niya.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending