‘Nakakakilabot ang mga emote ni Kris Aquino sa gitna ng trahedya!’
NABASA ko sa ilang columns ang pagpunta nina Kris Aquino and Angel Locsin sa Iloilo para mamigay ng relief goods recently – yes, thanks but no thanks, Kris.
Okay lang sa amin si Angel dahil kilala na namin ang pagka-low profile ng mahal naming aktres everytime she’s into this noble act.
Siya actually yung tipong batang kung ano ang ginagawa ng kanang kamay niya ay hindi kailangan malaman ng kaliwa. Meaning, she just does charities without bragging about it. Kaya love namin si Angel.
Pero si Kris – kakaiba talaga. Sa gitna ng paghagupit ng mga kritisismo sa kuya niyang pangulo, nakukuha pa niyang ipag-praise release ang sariling pagtulong.
Nangilabot lang ako sa nabasa kong item na kesyo bigla raw nakalimot sa trahedya ang mga biktima ni Yolanda nung makita siya. Ano iyon, Kris? Show?
I found it very distasteful lalo na’t she refers to her visit sa sarili kong bayan. Para bang gusto niyang sabihin that she’s God’s gift to Ilonggos.
Maraming salamat sa tulong na inihatid mo pero para maisip mong fans mo lahat ng mga Ilonggo ay nagkakamali ka. Hindi bobo ang mga kababayan ko.
Maaaring napangiti sila kahit paano dahil marunong lang mag-appreciate ang mga kababayan natin sa bawat taong nagbibigay ng tulong pero para sabihin niyang nakalimutan ng mga ito ang trahedya sa mga buhay nila nang makita siya, that’s a big bull***t.
Hayaan na niya sanang iba na ang magsabi noon – hayaan na niyang mga kababayan ko sa Iloilo ang magsabing “nakalimutan kong namatayan ako nang makita ko si Kris” or so.
I hate the thought na talagang naiisip pa ng isang tao ang isang ka-cheapang ilusyon sa gitna ng malaking unos. We are rebuilding people’s lives after the tragedy – may not be as much as what happened in Tacloban pero nasaktan din sila nang husto.
Isang pangyayaring hindi nila siguradong makalimutan for the rest of their lives – lalo na ang mga napuruhang mga bayan. Hay, only Kris Aquino na pinuputakti ng sambayanan ang kahinaan ng pangulong kapatid. I can’t imagine her line of thinking.
I just can’t take it. Anyway, kahit OFF na OFF itong praise release ni Kris sa sarili, maraming salamat na rin sa hinatid mong relief goods. Marunong naman kaming magpasalamat na mga Ilonggo. Hindi naman kami mapagmalaki actually. Salamat uli.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.