Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
5:45 p.m. Air21 vs. Barako Bull
8 p.m. Petron Blaze vs. Global Port
BIBIGAT ang responsibilidad sa balikat ng sophomore na si June Mar Fajardo na siyang pagtutuunan ng pansin sa kam-
panya ng Petron Blaze na sisimulan nito kontra Global Port sa PLDT MyDSL Philippine Cup mamayang alas-8 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Sa unang laro dakong alas-5:45 ng hapon ay gagampanan naman ni Paul Asi Taulava ang papel bilang team leader ng Air21 sa pagsagupa nito sa Barako Bull.
Inaasahang dodominahin ni Fajardo and shaded area para sa Boosters at makakakuha siya ng tulong buhat kina reigning PBA Most Valuable Player na si Arwind Santos, lead point guard Alex Cabagnot at third year players na sina Chris Lutz at Marcio Lassiter.
Papasok si Gelacio Abanilla III sa kanyang ikalawang torneo bilang head coach ng Petron at hangad niyang tuluyang maihatid sa itaas ang Boosters matapos na sumegunda sila sa SanMig Coffee sa nakaraang Governors Cup.
Idinagdag ni Abanilla sa kanyang lineup sina Cris Ross na magiging karelyebo ni Cabagnot at Yousef Taha na makakatulong ni Fajardo.
Kapunapunang wala sa lineup ng Petron ang two-time MVP na si Danilo Ildefonso na sinasabing baka mapabilang na lang sa coaching staff ng team.
Ang Global Port ang may pinakamaraming rookies sa torneo matapos na papirmahin ang mga baguhang sina Terrence Romeo, RR Garcia, Nico Salva, Justin Chua at LA Revilla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.