Philmar Alipayo durog sa fans ni Andi: Kapal ng mukha mong mag-cheat!
GRABE ang pambabarag ng mga netizens ngayon sa champion surfer na si Philmar Alipayo dahil sa umano’y panloloko niya kay Andi Eigenmann.
Talagang hinusgahan na siya ng madlang pipol sa napaulat na paghihiwalay nila ng kanyang fiancé at nanay ng kanyang mga anak na si Andi.
Pagkatapos mag-post ng cryptic message si Andi sa kanyang Instagram account ng, “They stab you and pretend they are the ones bleeding”, tila gumanti naman sa kanya si Philmar.
Hirit ng surfer, “Kilaya man kamo kun ono ako na pagka tawo. So segoro kilaya sab kamo kon ona cja. Dili na nato taason an tanan.”
Baka Bet Mo: Philmar Alipayo kinumpirma ang hiwalayan nila ni Andi Eigenmann
Sa Tagalog, ang sabi ni Philmar, “Kilala mo na kung sino ako kaya malamang kilala n’yo na rin sino siya. Hindi ko na kailangang ipaliwanag pa.”
Dagdag pa niya sa cheating issue, “You all can call me a cheater and ugly now. Pero salamat sa mga tawo na no message sanan ka kilaya sa ako,” pagtatapos ni Philmar. (Pwede n’yo akong tawaging cheater at pangit ngayon ngunit salamat sa totoong nakakakilala sa akin.)
Mas nagpadagdag pa ng galit ng netizens ang pagpapa-couple tattoo ni Philmar at ng kaibigan niyang babae na si Pernilla S. Joo sa kanilang mga braso ng mga numerong “224”.
Ang caption ng girl sa litrato nila ni Philmar, “224 2Today, 2Tomorrow, 4Forever (infinity emoji). More than a decade of being my Lil’Bro, and one of my greatest blessings.” Ang ibig sabihin daw ng 224 ay “I love You”.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens sa breakup ng engaged couple.
“If you have a girl or a wife, respect your relationship. Getting matching tattoos with another girl or having a ‘girl best friend’ when you’re already committed can cross the line.”
“Your girl should be your best friend. The one you talk to, laugh with, and grow with. Secret conversations, hiding messages, or giving someone else the attention that should be hers… those are micro-cheating.”
“Loyalty isn’t just about not cheating. It’s about making sure your girl never has to question her place in your life.”
“Nagmukang tao ka dahil kay Andi.”
“Ang panget na nga ang kapal pa ng mukha!”
“GUYS LET’S ALL CHEER UP BAKA ETO NA CHANCE MAGKABALIKAN SI ANDI AT JAKE!”
“Ang tagal na nilang mag ka BRO. sa totoo lng super cringey lang lolz. Matagal na nilang bet ang isa’t isa. Obviously bilib ako kay ANDIE kung gaano sya ka luwag kay boy. Ilang beses narin pinagtanggol tsskk kawawa nmn kakamatay lng ng mother.”
“Ginive up niya ang career niya it’s because of you tapos magcheacheat ka lang, gwapo mo bro.”
“The audacity nga naman, pasalamat ka oy pinatolan ka Ni andi. pwede bang umasta nang naaayon sa mukha. BAGAG NAWNG LAKIHA.”
“Ayoko talaga sa lalaki na friendly sa babae. Redflag pag ganyan.”
“Gurl balik ka na lng kay @unoemilio. Mas kakilig kayo.”
“So, wala pala talagang kasalanan si HABIBI dati kase babaero ka pala talaga. Kawawa si Habibi dati lahat ng bash sinalo nya kahit ikaw naman pala talaga may kasalanan.”
“Wathhh… lol, kakapaalam lang ng mother ni Andi last year… tapos? omg saan nanggagaling yang guts niyo to do that?”
“Asan ba utak ng lalaki na to, hoy bobo may partner ka tapos nagawa mo pang makipagmatching tattoo sa Girl bestfriend mo?Ok kalang? Disrespectful yan sa side ng ung partner.Kawawa mga bata ang liliit pa pano ama nla parang ang immature. wake up Andi. balik ka manila magpaganda at balik ka sa pag artista.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.