Resto PH umalma sa talamak na paggamit ng pekeng PWD cards

Resto PH umalma sa talamak na paggamit ng pekeng PWD cards

Ervin Santiago - February 05, 2025 - 10:45 AM
Resto PH umalma na sa talamak na paggamit ng pekeng PWD cards

PATULOY na nagiging talamak ngayon sa Pilipinas ang pagkalat at paggamit ng mga pekeng Person with Disabilities (PWD) cards.

Matagal nang problema ang pamemeke at paggamit ng mga fake PWD IDs sa bansa ngunit sa halip na makontrol kung hindi man matigil ay mas lumala pa ito ngayon.

Ito ang dahilan kung bakit nagrereklamo at umaalma na ang Restaurant Owners of the Philippines o Resto PH na karaniwang tinatarget ng mga gumagamit ng pekeng PWD cards.

Naglabas ng official statement ang Resto PH sa pamamagitan ng kanilang Instagram account kung saan ipinagdiinan nila na ang 20% discount na ibinibigay sa mga PWD cardholder ay hindi pasan ng gobyerno kundi ng mga may-ari mismo ng resto.

“Many people don’t realize that it’s not the government covering the 20% discount—it’s the businesses themselves.

“For restaurants, especially small and family-run ones, this isn’t just an inconvenience-it’s a financial hit that can mean the difference between survival and closure.

Baka Bet Mo: Karla Estrada kinastigo ang nanglait sa isang PWD, netizens umalma: Wag kang magmalinis!

“When multiple fake PWD cards are used at a single table, the losses can be devastating. This isn’t just about lost revenue; it affects employees, food quality, and even menu prices for honest customers,” ang bahagi ng opisyal na pahayag ng Resto PH.

Nanawagan din ang Resto PH sa publiko na maging patas at makatarungan, “We’re asking for fairness. The discount should help those it was meant for, not be a loophole for those looking to save a few pesos at the expense of struggling businesses.”

Sa isang ulat, may insidente raw na lahat ng customers sa isang table ay puro may PWD ID na iba’t iba ang kapsanan na nakalagay sa kanilang ipinakitang card.

Meron din daw piloto na may PWD card dahil sa problema niya sa mata — paano raw kaya ito nakapasa bilang pilot kung may vision disability?!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending