Baron laking pasasalamat sa ABS-CBN, grateful sa 'Incognito'

Baron Geisler laking pasasalamat sa ABS-CBN, grateful sa ‘Incognito’

Reggee Bonoan - February 04, 2025 - 07:08 PM

Baron Geisler laking pasasalamat sa ABS-CBN, grateful sa 'Incognito'

TOTOO ang kasabihan, ‘you can never put a good man down’ at si Baron Geisler ang talagang perfect example dahil makailang beses na siyang nawala dahil personal na problema pero mabilis siyang nakakabalik sa trabaho.

Kasi nga kahit anong karakter ang ipagawa sa aktor ay effective siya, bida o kontrabida kaya naman speechless ang producers, directors at co-workers niya kapag umarte na sa harap ng kamera.

Perfect example itong seryeng “Incognito” na kasalukuyang ipinalalabas sa Kapamilya free TV channel, TV5 A2Z at sa Netflix na habang sinusulat namin ang balitang ito ay nanatiling number 1 itong TV series sa Pilipinas.

Isang skilled surgeon, medic, at sniper ang karakter ni Baron sa Incognito na nawala sa serbisyo dahil sa pagiging alcoholic nito na hindi nalalayo sa tunay niyang buhay na nagpa-rehab din para gumaling pero bumabalik minsan ang pag-inom niya.

Baka Bet Mo: Aktres na ina ng anak ni Baron Geisler kilalang-kilala ni Cristy Fermin

Ang pagkakaiba lang ng karakter niya sa Incognito ay pilit niyang nilalabanan ang pag-inom ng alak kahit maraming tukso base sa mga eksena dahil bawal lalo’t mahalaga ang karakter niya bilang si sniper Miguel Tecson na pormal at malinis.

Sa ilang episodes (hanggang 10) na napanood na naming sa seryeng pinangungunahan nina Richard Gutierrez, Ian Veneracion at Daniel Padilla ay ibang Baron ang napanood namin at first time namin siyang mapanood sa hard action.

Lagi kasi namin siyang napapanood sa drama at kontrabida naman na hindi masyadong ma-aksyon kaya napahanga niya kami sa Incognito bilang si Miguel Tecson.

Sabi nga ni Baron sa panayam niya sa ABS-CBN news, “I’m so grateful to ABS-CBN and Star Creatives for giving me this big opportunity because this is my first good guy role. And I’m part of the lead cast. So it’s kind of refreshing.”

At higit sa lahat ay labis ang pasalamat at papuri ni Baron sa direktor ng Incognito na sina Lester Pimentel Ong at Ace Yan Bin na parehong magaling sa martial arts kaya naman ang gaganda ng stunts nil ana sila mismo ang gumagawa.

Say ng aktor, “they brings out the Hongkong/Hollywood feels to the fight scene.”

In fairness para nga kaming nanonood ng foreign TV series kahit pa ang location ay sa napakagandang lugar sa Atok, Benguet at Palawan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa episode 12 ay nasa Italy na sila na mas lalong ikinatakam na subaybayan ng viewers ng Incognito dahil nga nabibitin sila pagkatapos ng every episode.

Oo nga, ‘yung feeling na naiinis dahil bitin pero nae-excite kung ano ang next na mapapanood kinabukasan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending