WILLIE: Ayoko kasing tumulong na may camera! | Bandera

WILLIE: Ayoko kasing tumulong na may camera!

Cristy Fermin - November 17, 2013 - 03:00 AM


May mga nagtatanong sa amin kung bakit idinirekta ni Willie Revillame sa DSWD ang sampung milyong pisong donasyon niya para sa mga kababayan nating winasak ng bagyong Yolanda ang pamumuhay sa Kabisayaan.

Bakit daw hindi na lang niya ‘yun pinadaan sa TV5, samantalang du’n niya naman kinita ang halagang ipinangdonasyon niya, bakit daw sa DSWD pa? Salamat naman at tumawag sa amin si Willie isang umaga kaya naitanong namin sa kanya ang tungkol du’n

Ayon sa aktor-TV host ay tutok na tutok siya sa mga nagaganap sa Kabisayaan, kahit saan daw siya magpunta ay sinisigurado niyang nakatutok siya sa news, nababagbag ang kanyang kalooban sa mga napapanood niyang sitwasyon ng mga kababayan natin lalo na sa Tacloban.

Agad siyang tumawag sa kanyang BUH nu’n sa kanyang programa na si Jay Montelibano, pinakiusapan niya itong makipag-usap kay Korina Sanchez, para tumanggap sa kanyang donasyon.

“Ayoko kasing tumulong nang may mga camera, tahimik na pakikisimpatya lang ang gusto ko. Ni hindi nga ako tumawag sa DSWD, si Jay ang pinamahala ko sa donasyon na maitutulong ko para sa mga kababayan nating sinalanta ng bagyo.

“Ang halagang ‘yun, e, galing din naman sa publikong nagmamahal sa akin, malaki ang utang na loob ko sa kanila, siyam na taon nila akong sinuportahan sa lahat ng mga programa ko,” sinserong pahayag ni Willie.

Sa ganitong pagkakataon na ang piso at isang kilong bigas ay lumilikha ng milagro para sa mga kababayan nating walang kalaban-laban sa gutom sa Kabisayaan ay hindi na nga siguro importanteng kuwestiyunin pa kung saan idinidirekta ng mga personalidad na may mabuting puso ang kanilang donasyon.

Ang mahalaga ay mabilis ang kanilang pagkilos, ang importante ay ang mga busilak nilang puso sa pagbabahagi ng kanilang mga biyaya sa mga mas nangangailangan, ‘yun ang pinakamarkadong katangiang dapat isipin sa mga panahong ito.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending