NAIKUWENTO ng Box-Office Director na si Cathy Garcia-Sampana ang isang hindi niya malilimutang tagpo noong nagsisimula pa lamang ang loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Nakachikahan namin si Direk Cathy at ng ilan pang piling members ng entertainment media kamakailan para sa launching at contract signing ng pool of talents ng Clnjk (pronounced as Clinic), ang talent arm ng Nickl Entertainment.
Ang blockbuster direktor ang isa sa mga namamahala ng naturang management company na kinabibilangan ng mga talents and artists – mula sa mga character actors and actresses, hanggang sa mga singer, rapper at songwriter.
Yes, dear BANDERA readers, hindi lang basta direktor si Cathy Garcia-Sampana, may bago siya ngayong “baby” dahil pinasok na rin niya ang pagdi-discover at pagma-manage ng mga baguhan at aspiring artists.
Isa sa mga pumirma ng kontrata sa Clnjk ay ang sikat na singer at aktres na si Frenchie Dy na super thankful sa grupo nina Direk Cathy dahil pinagkatiwalaan siya na mapasama sa mga talents ng naturang management company.
Baka Bet Mo: May sama ba ng loob si Direk Cathy Garcia kina John Lloyd at Bea?
Kabilang din sa mga pool of talents ng Clnjk ay ang rapper at musician na sina Jade Aban na isa ring teacher, Ronan, Richard Salazar na isang singer-songwriter naman.
Ayon kay Direk Cathy, sa paghahanap ng talents, hindi raw personality ang unang hinahanap niya kundi “attitude”. Pwede naman daw kasing ma-improve ang itsura at talent pero ang ugali at attitude ay mahirap daw baguhin at kontrolin.
Sey pa ni Direk Cathy ang pinakaayaw niya sa mga nakakatrabaho ay ‘yung hindi nakikinig at laging late. Nasasayang daw kasi ang oras ng lahat ng involved sa production kapag may pasaway na artista.
Dito na nga naichika ni Direk kung paano niya pinagsabihan at “pinaghiwalay” ang ex-couple na sina Kathryn at Daniel nang nang una niyang ma-meet ang mga ito sa storycon ng seryeng “Got To Believe.”
Habang nagbibigay na raw siya ng instructions ay napansin niyang bulungan nang bulungan sina Kath at DJ kaya sinita niya ang mga ito at sinabihang maghiwalay muna ng upuan.
In fairness, marespeto naman daw na naghiwalay ang dalawa at mula raw noon ay nakikinig na ang KathNiel sa lahat ng instructions niya.
Aminado rin si Direk Cathy na may mga pagkakataon na nai-stress siya sa kanyang mga artista habang nagsu-shooting, kabilang na riyan ang mga talents o yung mga extra.
“Sa talents ako madalas kasi yung mga artista na, sa totoo lang hindi naman magiging artista kung OA na walang alam, di ba? Nagkaroon na ako ng ganyan na naging trending rin kahit di pa uso nu’n ang social media. Meron lang kasing expectations lang.
“Kasi kami sa production, kapag kumukuha ng artista, may tiering or parang class. Not social class, class yan sa ano ang gagawin mo, palakad lakad ka lang?
Baka Bet Mo: Anak ni Cathy Molina pinapalo ng yaya: Imbes na magalit ako sa kanya, nagalit ako sa sarili ko
“Ang tawag natin du’n passersby. Merong bit players, ito naman yung mga may linya-linya, isa, dalawa. At meron kang minor roles na ito yung talagang may character na nakapangalan sa script.
“Tapos of course the support roles and then the major roles. Madalas sa talents talaga ako medyo umiinit ang head kasi para silang talent na walang talent. Yun lagi ang term ko. Kasi dapat itanong mo sa sarili mo kung kaya mo din.
“Wala naman akong problema kung gusto mo ng trabaho, pero nagtratrabaho din ako. And ang trabaho ko is to tell a story. Paano ko iti-tell yung story kung hindi mo mapangatawanan yung character na part ng script?
“So medyo masungit ako diyan. Medyo notorious ako diyan. Kasi grabe ang frustration level. Tayo, pinipilit mong mapaganda tapos bibigyan ka ng talent na ang hiningi mo driver, tapos pagdating hindi naman marunong mag-drive. Nalurkey naman ako.
“Actually napagtanto ko yan eh, ang common sense hindi common. eh. Kaloka talaga,” rebelasyon ng blockbuster filmmaker.
Naibahagi pa nita ang naging experience while shooting her latest movie “Hello, Love, Again” nina Kathryn at Alden Richards sa Canada with the talents na kinuha nila roon.
“Wala (naging problema), actually. Siguro kasi sa ibang bansa trained talaga sila, hindi yung dumadampot kung saan saan. Kaya naman ang mahal nila. Kasi pagdating nila, they perform.
“Pati ang passersby, sila gumagawa ng sarili nilang gagawin at dialogue. Minsan ang kino-control ko na lang, colors. Kasi may colors ang bawat palette.
“Lalo na sa Hello, Love, Again may color palette per year. So yun lang. At saka yung presyo ng talents dun, yung passersby nila, minor role na natin yung bayad,” aniya pa.