Anthony 'proud' sa mga texts ni Maris kaya 'di nag-delete?

Anthony Jennings ‘proud’ sa mga texts ni Maris Racal kaya ‘di nag-delete?

Therese Arceo - December 06, 2024 - 11:55 PM

Anthony Jennings 'proud' sa mga texts ni Maris Racal kaya 'di nag-delete?

MULI na namang umarangkada sa mga chismis ang Pambansang Marites na si Xian Gaza at tila tinirada na naman ang kontrobersyal na si Anthony Jennings.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi nito ang diumano’y rason daw ng aktor kung bakit hindi nito binura ang kanilang pag-uusap.

Bagamat walang binabanggit na pangalan ay marami agad ang nakatubot na konektado ito sa isyu ngayon ni Anthony.

“Mula sa ating very credible source: Hindi daw dine-delete ang mga messages kasi pinagmamalaki daw niya sa mga kaibigan niya na k*nakan*** niya si celebrity girl.

Baka Bet Mo: Anthony Jennings nagsalita na: Humihingi po ako ng tawad

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Trophy girlfriend kasi overwhelmed pa at ngayon lang ata naka-artista. That explains kung bakit yung mga sweet photos nila ay halos kuha lahat mula sa phone ni guy,” sey ni Xian.

Meron rin daw tumawag sa kanya na kaibigan na kaibigan rin ng aktor.

“Kakatawag lang sa akin kasi napanood daw yung Live ko. Friend siya nung isang friend ni guy.

“Napasahan daw siya ng mga intimate photos nila sa isang Telegram GC na puro lalaki. Kaya pala hindi nagde-delete. Gets ko na ngayon,” sabi pa ni Xian.

Wala pa namang kumpirmasyon kung si Anthony nga ba ang binabanggit sa pa-blind item ni Xian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ngayong araw, December 6, humarap sa madlng pipol ang aktor para mag-release ng public apology.

“Sa lahat ho ng mga nangyari noong nakaraan araw, sa lahat po ng taong nasaktan ko, especially po si Maris tsaka si Jam,” saad ni Anthony.

Pagpapatuloy pa niya, “Humihingi po ako ng tawad sa dalawang babae and sa lahat po ng mga nadamay ko rin po. ‘Yun lamang po, sorry po ulit.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending